Advertisers

Advertisers

LUMINAW NA ISYU SA CONFIDENTIAL FUND

0 85

Advertisers

HINDI ginastos ang P612 milyon na confidential fund na ibinigay ng Kongreso kay Sara Duterte sa nakalipas na tatlong taon. Dahil hindi naipaliwanag ng maayos ng mga opisyales ng OVP, iisa ang konklusyon mula sa mga public hearing ng House committee on good government and public accountability: Ninakaw ang pondo na iyan.

Nagtuturuan ang mga opisyales ng OVP. Itinuro ng mga career official ng OVP na naunang dumalo sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Kin. Joel Chua ng Maynila na tanging sina Sara, Zuleika Lopez, OVP chief of staff, at Gina Acosta, OVP special disbursement officer, ang mga nakakaalam kung paano ginasta ang confidential fund sa OVP at Deped. Inihanda lang nila ang mga papeles kaugnay sa mga pagkuha ng confidential fund.

Itinanggi ni Lopez sa kanyang pagharap sa kauna-unahang pagkakataon sa komite ni Chua na may kinalaman siya sa paggamit ng confidential fund. Wala siyang alam kung saan napunta ang confidential fund, ani Lopez. Mas lalong wala siyang alam kung paano ginamit ang pondo, aniya. Sa nakalipas na anim na pagdinig ng komite ni Chua, napatunayan na nakuha ni Sara ang pondo, ngunit hindi nalaman kung saan napunta at kung ginamit nga.



Hindi binili ng mga mambabatas ang paliwanag ni Lopez. May alam siya pero mas pinili niyang pagtakpan ang kanyang amo. Hindi makapaniwala ang mga mambabatas na wala siyang alam bilang chief of staff dahil siya ang pangalawang pinakamakapangyarihan sa OVP. Alam ng chief of staff ang lahat na nangyayari sa opisina, ani Kin. Jerome Acidre ng Tingog Ako Party List.

Hiningi ni Taguig City Kin. Famy Zamora at sinang-ayunan ng komite na sabihan ang Bureau of Immigration upang hindi sila makatakas sa bansa ang apat na opisyales ng OVP na ayaw dumalo sa pagdinig – Lemuel Ortonio, Gina Acosta, Sunshine at Edward Fajarda.



Idineklarang in contempt si Lopez at idedetine siya hanggang Lunes, o sa susunod na pagdinig ng komite ni Chua. Hiningi ni Kin. France Castro na ACT Teacher Party List ang detention ni Lopez dahil sa “undue interference” ng OVP na huwag ibigay sa Camara de Representante ang audit report ng CoA tungkol sa OVP.
*
MAY isang kakatwang tagpo sa public hearing ng magkomento si Chua tungkol sa OVP. Sinabi ni Chua na nakakagulat ang OVP sapagkat wala nakakaalam kung nasaan ang mga opisyales nito. Pakiwari niya ay nagkaroong ng amnesia ang mga tauhan nila. “ O may pinagtatakpan kayo?” tanong ni Chua sa mga opisyales at tauhan ng OVP kasama si Jonathan Baloro, hepe ng operations office ng OVP.

Nagulat si Chua dahil nandoon sa hearing ang operations officer ng OVP at ibang tauhan, ngunit ang special disbursement official ang umiikot. Nagulat si Chua dahil walang alam ang mga tauhan ng OVP na nasa pubic hearing, ngunit walang alam sa event ng OVP at mistulang nagtatakipan sila, aniya. Kahit ang ibang mambabatas tulad ni Kin. Jay-Jay Suarez ng Quezon at Kin. Jinky Luistro ng Batangas ay nagugulat dahil hindi alam ng mga opisyal ng OVP kung saan ginanap ang selebrasyon ng OVP sa Caraga Region.
***
ISANG tampok na yugto ang pagkompronta ni Suarez kay Lopez tungkol sa liham na ipinadala niya sa CoA kung saan hiningi niya na kung maaari huwag ibigay sa Camara ang audit report ng CoA sa OVP. Kinuwestiyon ni Suarez kung may poder ang OVP na gawin ito. Inamin ni Lopez na wala silang poder at ito ang batayan ni Rep. France Castro upang patawan ng “contempt” si Lopez at ikulong sa Camara hanggang Lunes.



Tagpo rin sa pagdinig ang pag-amin ni Lopez sa tanong ni Luistro na siya ang hatchet woman ni Sara. Siya ang nagsabi sa limang mataas na opisyal ng Deped na sinibak sa puwesto dahil hindi nakasundo si Sara. Kasama sa lima si dating Deped Undersecretary Gloria Mercado na hindi sumang-ayon sa gusto ni Sara tungkol sa imprastraktura ng Deped. Katwiran ni Lopez: “Isolated case iyan.”
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Duterte acolytes, who don’t believe the visa and travel ban to the U.S. under the Magnitsky Law and the expanded Global Magnitsky Law ,should test the ban by trying to enter the U.S. and member-states of the European Union. Hence, the likes of Tito Sotto, Manny Pacquiao, Bato, Bong Go, Jose Calida, and other skeptics should try using their issued visas and see for themselves their current situation. They could gloat to their hearts’ content, if and when they could enter without hassles. At the moment, they should shut up instead of expressing their opinions, which are contrary to news reports. Tingnan natin ang kanilang tikas at gilas… – at tapang kung may natitira pa… “ – PL, netizen, kritiko

“The OVP officials, who are appearing at the Chua committee, are a pathetic lot. They are made to explain what had happened to the P612-M of confidential fund given to Misfit Sara at OVP and Deped. They could not explain something that was not spent. They were plundered. All they did was to cover up the plunder of those funds Again, the funds were stolen, not spent. Their tragedy is that Misfit Sara has left them to be fed to the lions. Misfit Sara left them to be pushed off the cliff. There is no choice but to lodge impeachment complaint against Misfit Sara. Let her appear before the Senate as an impeachment court. That’s the remaining choice and scenario.” – PL, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@yahoo.com