Advertisers
MAINIT na pinagdedebatehan ngayon ng netizens ang “pagtanga-tangahan” ni Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte-Carpio, nang gisahin ng House Quad Committe nitong Miyerkoles, Nobyembre 20, hinggil sa paggastos ng P612-million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Sa harap ng House Blue Ribbon Committee, ilang ulit na dinenay ni Lopez na may mga alam siya hinggil sa paggastos ng Bise Presidente sa P612m confidential funds ng OVP at ng Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023.
Sa kabila ito na binuking si Lopez ni House Deputy Speaker David “Jayjay”’ Suarez sa dalawang sulat na pirmado niya (Lopez) na ipinadala sa Commission on Audit (COA).
Sa isang sulat, nang sagutin ni Lopez ang Audit Observation Memorandum (AOM) ng COA hinggil sa paggastos ng confidential funds ni VP Sara, at ang ikalawa ay nang sabihan niya ang COA: “uphold the paramount confidentiality of the information” kungsaan hinihiling ng Quad Comm mula sa ahensiya.
Ipinunto ni Suarez na kung si Lopez ay walang alam tungkol sa mga paggastos ni VP Sara confidential funds ng OVP at ng DepEd, bakit siya mismo ang sumagot sa AOM ng COA at sinubukan din niyang pigilan itong magbigay ng mga dokumentong hinihingi ng Quad Comm.
Malinaw pa sa sikat ng araw na nagsisinungaling si Lopez. Basang-basa sa kanyang mga ginawang sulat na alam na alam niya ang paglustay sa P612 million CF ni VP Sara. Hindi obra rito ang kanyang pagtanga-tangahan sa mga resibong siya rin ang may gawa. Mismo!
***
Nitong Mierkoles, sa naturang 6th House panel hearing, nag-file ng ‘motion to contempt’ si ACT Teachers Representative France Castro laban kay Lopez matapos aminin ng huli na siya ang gumawa ng sulat dated August 21, 2024, hinihiling sa COA na huwag nitong ibigay ang kanilang audit observations sa Quad Comm kung paano ginastos ang P612.5 million confidential funds OVP.
Inamin din Lopez na alam ni VP Sara ang tungkol sa sulat na kanyang ipinadala sa COA nang sabihin sa kanya ni Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez ang tungkol sa isyu.
Nabuwisit din ang mga miyembro ng komite sa statement ni Lopez na tanging sina Assistant Secretary Lemuel Ortonio at Gina Acosta, OVP senior disbursing officer, ang mga nakakaalam sa pag-release ng confidential funds ng OVP.
Sina Ortonio at Acosta ay nag-abstain sa pagdinig, abala raw kasi ang mga ito sa paghahanda sa anniversaryng OVP na gaganapin sa CARAGA region bagay na lalong ikinaasar ng mga mambabatas.
Si Lopez ay pinatawan ng limang araw na pagkakulong sa House detention facility. Araguy!!!