Advertisers

Advertisers

Bastos na anak tinaga-patay ng ama

0 16

Advertisers

Nasawi ang isang binatilyo nang tagain ng amasa Basalo Brgy. Cogon, Naga City nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang salarin na si Reny Boy Basalo, 45, isang construction worker, at ama ng biktimang si Christian, 24.

Sa ulat, pinagbawalan Reny ang kanyang anak na umalis ng bahay subali’t sumagot ito at iginiit na aalis.

Habang nagtatalo ang mag-ama, kumuha umano ng itak ni Reny Boy at tinaga ang anak nitong sa leeg.

Ayon kay Police Lt. Col. Verniño Noserale, hepe ng Naga City Police Station, patay na si Christian nang dalhin sa isang pribadong ospital sa naturang lugar.

Sinabi ni Noserales na labis na ikinagalit ni Reny Boy ang pagsagot ni Christian at pagiging umano’y bastos, na lagi umano nitong ginagawa tuwing pinagagalitan ito ng kanyang ama.

Ani Noserale, lasing umano si Reny Boy, nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyang nakaditene ang salarin sa detention facility ng Naga City Police habang inihahanda ang parricide charge laban dito.