Advertisers
ILANG buwan na lang ay halalan na sa May 12, 2025, kaya nakadarama na ng malaking takot ang kampo ni Manila Mayor Honey Sakuna sa landslide na panalo ni Yorme Isko Moreno.
Pruweba ang maraming tao at mga barangay officials na lumilipat ng palihim sa kampo ni Yorme Isko, at ang paghina ng liderato at naghihingalong political career ni Honey Sakuna.
Kahit na kaliwa’t kanan ang pagkakalat ng fake news at demolition job ng tropa ng mga katunggali ni Isko ay hindi na ito tumatalab at hindi na nga pinapatulan ng kanyang kampo.
E kitang-kita at nasaksihan ng madla na sa lahat ng okasyong pinupuntahan maging ito ay caucus, town hall meeting or patawag ng iba’t ibang grupo, laging dinarayo ito ng maraming tao, at nagpapakita ng kusang pagdating at hindi ang “hakot-hakot” na tulad ng ginagawa ng mga kalaban ni Yorme sa politika.
Kasi nga tunay, dakila at wagas ang pagnanais na maglingkod ng tapat sa bayan.
Taglay ng tandem nina Isko at Chi ang mga katangiang ito dahil sila ay tunay na makamahirap.
Manila, God First!(BP)