Advertisers

Advertisers

TUPAD, DAPAT NG LUSAWIN DATING GOV. CHAVIT SINGSON!

0 28

Advertisers

Dapat na umanong lusawin ang Tulong Pangkabuhayan sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ang tinuran ni former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, sa pagdalo sa taunamg Sumbingtik Festival sa Cainta Rizal.
Ani Singson, hindi dapat pabayaan ng pamahalaan ang hanay ng mga manggagawang pasok sa kategorya ng “minimum wage earners.”

Anya, sakaling mahalal s’ya bilang Senador, una nitong ihahain ang Universal Basic Income bill na magsusulong ng P500 buwanang subsidiya para sa mga minimum wage earners sa buong bansa.



Kasama ang anak na si Rep. Richelle Singson ng Ako Ilocano Ako, sinalubong ni Mayor Elen Nieto at iba pang lokal na opisyal ang dating gobernador na kabilang sa mga aspirante sa posisyon ng senador para sa nalalapit na 2025 midterm election sa Mayo ng susunod na taon.

Sa isang panayam, nilinaw ni Singson na hangad niya sa pagtakbo bilang senador ang ibahagi ang kaalaman at kakayahan isulong ang isang maunlad na bansa tulad aniya ng kanyang ginawa sa Ilocos Sur.



Ayon kay Singson “isa sa pinaka pobreng lalawigan ang Ilocos Sur noon. Pero tignan nyo ngayon ang probinsya namin — panglima na sa pinakamayaman sa buong Pilipinas. Hindi na rin magulo tulad ng dati,” wika ni Singson na nagsilbing punong lalawigan mula 1972 hanggang 1986, mula 1992 hanggang 2001 at mula 2004 hanggang 2007.

Pag-amin ni Singson, hangad lang niya sa kandidatura ang tulungan ang bansa sa bisa ng mga panukalang batas na magbibigay daan sa kaunlaran hindi lang ng pamahalaan kundi maging ang mga mamamayan.



Sa datos ng senatorial aspirant, nasa 77 percent ng mga Pinoy na nasa hustong gulang ang hindi makapag bukas ng bank account dahil sa dami ng requirements.