Advertisers

Advertisers

Julia aminado, malaki ang ipinagbago ni Carlo

0 16

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

AYON mismo kay Julia Barretto ay malaki na ang ipinagbago ng leading man niya sa Hold Me Close na si Carlo Aquino.

Aniya, “Noong ginagawa namin ang Expensive Candy, isang tanong, isang sagot lang siya.”



Ngayon daw, sa shoot nila sa Japan ng Hold Me Close ay nakapag-bonding ang dalawa habang ginagawa ang pelikulang entry ng Viva Films sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Hindi pa ikinakasal sina Carlo at Charlie Dizon noong nag-shoot sina Carlo at Julia sa Japan.



Kuwento naman ni Carlo, “Catch up lang, kasi nga nung time na ginawa namin yung Expensive Candy, hindi pa ako kasal.

“Ngayon lang uli kami nagkita na married na ako. So itinatanong niya lang, how’s your married life?



“Noon namang shooting ng Hold Me Close, kumustahan, kinukumusta ko si Ge [Gerald Anderson] dahil nakatrabaho ko si Ge.

“Tapos si April [tunay na pangalan ni Charlie] kinukumusta rin niya.”

Ang Hold Me Close ay sa direksyon ni Jason Paul Laxamana at mapapanood sa mga sinehan simula December 25.

Ito ay kuwento ni Lynlyn, isang babaeng may kakaibang psychic ability, at si Carlo naman ang lead male character sa pelikula bilang si Woody.

Samantala, sa tanong kay Carlo kung sino ang nais niyang sabihan ng mga katagang “hold me close,” emosyunal na sinabi ni Carlo na, “Yung daughter ko, yeah, si Mithi.”

Si Enola Mithi o Mithi ay ang four-year old na anak nina Carlo at dati niyang partner na si Trina Candoza.

Gaya ni Julia, masaya si Carlo dahil mararanasan niya muli na sumakay sa float para sa Parade of Stars ng 50th MMFF.

***

CONCERT NI JK LABAJO, TAGUMPAY!

ISANG malaking tagumpay ang concert ni Juan Karlos Live concert ni Juan Karlos sa SM MOA Arena nitong nakaraang Biyernes.

As in punumpuno ang naturang venue ng pinagsama-samang mga tagahanga at kaibigang celebrities ni Juan Karlos na sumugod sa naturang venue para suportahan ang very first major concert niya.

Ito ay sa kabila ng napakatinding traffic noong gabing iyon kaya marami ang hindi na makaalis sa kinarooronan nila, tulad namin na na-stuck na sa Quezon City matapos dumalo sa isang showbiz event.

Nanghinayang tuloy kami dahil nais naming mapanood si Juan Karlos na never pa naming napanood sa isang buong concert.

Hindi bale, umaasa kami, at ang maraming hindi rin nakapanood, na may repeat ang naturang successful concert ni JK na mula sa Nathan Studios nina Sylvia Sanchez at pamilyang Atayde.

Inabot daw ng halos tatlong oras ang show na bitin pa para sa karamihan dahil nga sa husay ni Juan Karlos at sa ganda ng konsiyerto.