Advertisers

Advertisers

BARDAGULAN NINA VICE AT ANNE KINAALIWAN NG NETIZENS; JK DI NAGPATAOB SA MGA KASABAYANG CONCERT

0 15

Advertisers

Ni Beth Gelena

JAMPACKED ang concert ni JK Labajo na ginanap last November 29 sa MOA Arena.

Napaka-simple na concept ang ginawa ni direk Paulo Valenciano.



Swerte ng mga taong nasa labas ng MOA Arena dahil nakita nilang kumakanta si JK sa labas.

Nakipagsabayan talaga ang former The Voice Kids product sa mga may concert din na may big names that night.



Guest ng singer sina Jenine Berdin, Gloc 9, Moira dela Torre, Zid, ang Ben & Ben na si Paolo.

Komento nga ng aming colleague na si Jojo Panaligan, “Andaming pinalagan na concert norms ni JK Labajo tonight na mapapailing ka na lang habang nakangiti at binabalik-balikan ang mga kaganapan on your way out and home. What an artist. Matapang.:)”



Marami rin kaming narinig nang maglabasan na ang audience after the show.

“Grabe iba ang atake ni JK. Made na nga siya as a good performer.”

“He’s a versatile artist. Walang wala dun sa isang kasabayan niya noon sa The Voice Kids (huh sino kaya ang kanilang tinutukoy?)

Anyway, Congratulations JK and the Nathan Studios Team!!

***

FIRST time humarap ni Daniel Padilla sa press people mula nang mag-break sila ng 11 years girlfriend na si Kathryn Bernardo sa mediacon ng Incognito.

Ito ay action serye with Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Baron Geisler at ang isa sa hottest loveteam ng taon na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Ang lakas ng dating ng mga aksyon ng bagong action seryeng ito ng Star Creatives.

Natanong si Deejay kung papano siya nakumbinsi na gawin ang nasabing action samantalang mas napapanood siya ng mga fans sa mga romantic and comedy project.

Ani Deejay, “iba ito sa mga una ko nang nagawa. It’s new for me and masaya ako dahil ibang experience ito para sa akin.”

Aniya pa, “pwede ko na rin itong ipakita sa aking ama na isa ring kilalang action star.”

Ang Padilla pamilya kasi ay kilala bilang mahuhusay sa aksyon.

Tulad ng ama ni Deejay na si Rommel Padilla lalo na ang tiyuhin niyang si Robin Padilla.

Si Binoe ay mas nakilala sa aksyon na may temang pa-comedy.

Napag-alaman din namin na sina Ian at Richard ang nag-convince na gumawa sila ng aksyon.

May trivia pa ring sinabi si Richard.

Aniya, nagkita raw sila sa isang party at nagkausap.

Nabanggit daw niya sa actor na ‘gawa tayo ng aksyon one time.’

Hindi raw akalain ni Richard na matutupad agad yun.

Anyway, ang agang natapos ng mediacon.

Hindi na kasi nagpaunlak ang ABS-CBN na ma-one on one interview ang lead stars.

Ang dami tuloy nanghinayang lalo na at hot topic ang dalawang actor na sina Deejay at Richard.

Iginalang naman ng press people ang desisyon ng network.

Well, siguro sa next mediacon nila ay papayag na silang ma-interbyu ang kanilang mga artista.

First time ring napanood ng cast ang pinaghirapan nilang action serye na ang ibang eksena ay sa Italy pa kinunan.

Lahat sila ay na-amaze sa trailer na pinakita dahil sa ganda ng pagkakagawa.

Komento ng netizen, “Ang ganda!!!”

“Bagay c Daniel sa action infairness. Atleast solo era na sya hinde puro pakilig lang. Galing nilang lahat jan.”

“bagay pla talaga kay daniel ang action. angas nung Kaila sa action scenes pero ung pagtakbo, takbo mahinhin hehehe”

Pansin naman ng isang commenter, “Bat parang nalosyang na si Daniel? Dapat dito nagpapagwapo eh.”

“He definitely lost his shine.”

***

VICE ‘NILULUTO’ SI ANNE KAHIT WALA SA SHOW, PUMALAG

KINAALIWAN ng netizens sina Anne Curtis at Vice Ganda sa kanilang online bardagulan.

Nagkulitan ang sisterette na sina Anne at Meme Vice sa kanilang X account tungkol sa pang-aasar ni Vice kahit wala si Anne sa isang episode ng It’s Showtime.

Ginamit ni Anne ang kanyang Madame Tussauds wax figure bilang biro at “resbak” sa biruan nila ni Vice.

Nagreply si Meme Vice at sinabing mas marami siyang “pamilya” na makakalaban ni Anne.

Inilunsad ang wax figure ni Anne sa Makati City at magiging bahagi ito ng Madame Tussauds Hong Kong simula Disyembre 9.

Naghatid ng good vibes sa social media ang palitan ng kulitan ng dalawa matapos mag-post si Vice ng clip mula sa isang episode ng It’s Showtime sa X.

Sa naturang clip, biro ni Vice ang tungkol sa pang-aasar niya kay Anne kahit wala ito sa episode.

“Masayang masaya kayo pag vinavarda ko si Anne no?! Cge bukas ulit!” ani Vice sa kanyang caption.

Sagot ng asawa ni Erwan Heussaff, “Ahhhhh ganun ha! Porket workity work ako ngayon ha! Antayin mo pagbalik ko talaga. Susuotin ko yang hair mo bago ka dumating at hindi ko isosoli. Nyar nyar nyar!” Hindi naman nagpatalo si Vice at sinagot ito ng may patawa, “Wag mo kong pinagbabantaan! Di ako natatakot sayo! Sa tagal mong bumalik malamang tumubo na ung totoo kong buhok wala ka pa! At pag balik mo baka si Ryan na ung naka wig! Bwark bwark bwark bwark!”

Ginamit pa ni Anne ang kanyang Madame Tussauds wax figure bilang resbak kay Vice. “Dapat matakot ka. I have a resbak na. Dalawa na kaming ‘ball of light and sunshine’ mangbwibwiset sa ‘yo ngayon. Ngyar ngyar ngyar ngyar ngyar!!!!!” ani TV host/aktres.

Bwelta ni Vice, “Jusko!!! Hapakayabang mo! Yan ba pinagmamalaki mo? Dalawa lang kayo! Manginig ka na pag nakasalubong mo tong buong pamilya ko! Baka sa nunal pa lng ni Girlie maihi ka na sa takot! Bwark bwark bwark!”
Hahaha… Ganyan kung magbardagulan ang magkaibigan.