Advertisers

Advertisers

Neri Miranda 2 beses ‘di sumipot sa patawag ng korte kaya pinaaresto

0 18

Advertisers

DALAWANG beses umanong hindi dumalo si Neri Miranda sa pagpapatawag ng korte kaya inisyu ang arrest warrant sa mga kinakaharap niyang kaso.

Ayon kay Southern Police District (SPD) PIO Chief, Major Hazel Asilo, tinanong ito kung gaano katotoo na walang alam si Neri sa kinakaharap niyang kaso.

“Hindi ko po masabi na hindi niya alam dahil kasi usually bago kayo malabasan ng warrant ay mayroon muna kayong mga preliminary investigations so ise-serve po kayo ng subpoena, ipapatawag po kayo ng court so pag hindi po kayo nag-appear saka lalabas ang warrant of arrest nyo.



“Ayon po sa information na natanggap, twice po silang nag-fail na mag-attend sa court kaya nga po lumabas itong warrant nila. 2022 pa po itong isyu nila, 2024 na po tayo. Siguro naman po alam na nila na palabas narin itong arrest warrant,” sabi ni Asilo.

Kamakailan, sinabi ng tumatayong abogado ni Neri na hindi nito alam ang kaso kaya hindi ito nakasagot sa korte.