Advertisers
ARESTADO ang isang school principal nang makuhanan ng shabu ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Quezon, Palawan nitong Lunes.
Kinilala ang naaresto sa alias “Christoph”, 42 anyos, school principal, ng Quezon, na itinuturing na High Value Target (HVT).
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga elemento PDEA Palawan Provincial Office, Regional Police Drug Unit, at Quezon Municipal Police Station sa Barangay Alfonso XIII, Quezon.
Nasamsam sa guro 0.71 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P4,828.
Nasa kustodiya ng PDEA Palawan Provincial Office ang guro habang sumasailalim sa imbestigasyon, at sasampahan ng kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Mark Obleada)