KC makipag-ayos na kay Mommy Sharon nang ‘di karmahin ang lovelife; Anne na-bash sa wax figure, dapat sina Vilma at Nora muna
Advertisers
Ni Jimi Escala
NAGING topic sa isang umpukan ng mga kasamahang may konek sa showbiz ang kamakailan lamang ay Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta.
Ito ay pagkatapos ng ginawang pagmamalaki ni Ate Shawie ng isang throwback picture ng mga mahal niyang junakis na sina KC Concepcion, Kakie Pangilinan, at Miel Pangilinan, huh!
Banggit pa ni Mega sa naturang post niya na ito raw ang wallpaper niya ngayon sa cellphone niya, ilang taon na ang nakalilipas, noong ang lahat daw ay nasa tama pa sa kanya, huh!
“My present phone wallpaper…taken years ago…when all was right in my world…” saad pa ng Megastar.
Siyempre, agad namang sumagot sa naturang post ni Sharon ang super best friend niyang si Ms. Judy Ann Santos, huh!
“Everything will be alright ate,” sey pa ng young superstar.
Nagbigay naman agad ng kanilang reaksiyon ang mga anak ni Ate Shawie na mas nakatawag ng pansin sa mga netizen, huh!
“I love you Mama” sey pa ng mga anak ng premyadong aktres na sina Kakie at KC, lalo na kay KC, dahil hindi matapus-tapos ang mga isyung hindi raw sila nagkakasundong mag-ina huh!
Agad namang nagbigay ng opinyon ang mga netizens.
“we don’t know what you and your mom are going through but hopefully messages like this are sent personally to her. I lost my mom a few years ago suddenly from a heart attack that took her instantly and I regret every moment I fought with her or lost time with her. You can never bring it back… you only have 1 mom, the person who brought you in this world, cherish it. @reallysharoncuneta is loved by soooo many but she only wants the love of her children, for this holiday, hope you can give her the gift of love. She truly deserve it.”
“May you be reunited this Christmas with you mom or any day.”
“Walk the talk Hija. Not through socmed please.”
“Sana lng hindi pagod imge sa social media pero iba kapag off cam how u treat your mom. Matanda n sya kaya sulitin habang kasama mo p sya at nsa huli ang pagsisisi..wag mkipgmataasan ng ihi sa mama mo kaya di ka sinuswrte sa lovelife mo kase may karma yun.”
“looking forward to see you all together…love u kz papa gab and mama sharon….”
***
THIS coming December 9 ay darating na at nakatakdang i-display ang wax figure ng Kapamilya actress-TV host Anne Curtis sa Madame Tussauds Hong Kong na in-unveil last Wednesday, November 27 sa Makati City.
Siyempre, sobrang saya ng sikat na aktres at TV host.
“I am honored, thrilled, and excited. This is amazing. I can’t believe that I’m gonna have my very own wax figure,” banggit pa ni Anne sa panayam.
Kung marami ang natutuwa at napa-proud kay Anne Curtis dahil sa pagkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong, may mga bashers din namang natatanggap ang isa sa mga host ng “Its Showtime”, huh!
Ayon sa mga ito ay hindi pa raw dapat si Anne ang binigyan ng wax figure, mas mauna raw dapat ang Star for all Seasons Vilma Santos, Megastar Sharon Cuneta at maging ang superstar Nora Aunor, huh!
Kinukuwestiyon kasi nila kung bakit si Anne ang napiling bigyan ng wax figure ng MT samantalang napakarami pang Filipino celebrities ang mas deserving kaysa Kapamilya aktres, huh!
Well, kagaya rin sa mga awards night nasa magbibigay ng award ang desisyon di ba?
May nakikitang dahilan ang Madamme Thussauds Hong Kong kaya si Anne ang napili nilang bigyan, huh!