Advertisers

Advertisers

Bank, tax record ni Misfit Sara nasa prosekusyon

0 5

Advertisers

HAWAK ng prosekusyon ang mga kopya ng mga bank at tax record ni Misfit Sara at asawang Mans Carpio. Itinuturing na kumpleto na ang mga katibayan upang isulong ang mga isyu ng “unexplained wealth,” o hindi naipaliwanag na tagong yaman” na iniharap ng Camara de Representante sa Senate Impeachment Court (SIC), ayon kay Prosecutor at Kin. Terry Ridon ng Bicol Party List. Si Ridon ang namamahala ng Article 2 kung saan inaakusahan si Misfit at asawa ng unexplained wealth.

“Sa mga susunod pong mga araw, pag-aaralan at bubusisiin po namin ’yung lahat po ng mga dokumentong ito. At ito po ’yung nagko-constitute ng last important pillar ng mga ebidensya na gagamitin para sa unexplained wealth article,” ani Ridon sa isang pulong balitaan. Si Ridon ang kasalukuyang hepe ng House Committee on Public Accounts.

Hiningi ng SIC ang mga dokumento dahil angkop ang mga ito na iharap sa impeachment trial ni Misfit Sara. May apat na pangunahing isyu sa pagdinig at kasama dito ang tungkol sa hindi naipaliwanag na tagong yaman ng mag-asawang Duterte-Carpio. Kasama sa mga isinumiteng dokumento mula sa anim na bangko at record ng Bureau of Internal Revenue at kompanyang naignay sa mag-asawa.

“Pag-aaralan po namin ang lahat po ng bank accounts at tax documents ni Vice President Sara Duterte, ng kanya pong asawa, at ng kanya pong mga kumpanya para makita po natin kung magko-constitute ba itong mga ebidensya na ito para patunayan ’yun pong mga alegasyon sa unexplained wealth article po, which would constitute betrayal of public trust,” ani Ridon.

Kasama rin sa mga bubusisiin ang mga bank and tax documents kaugnay sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at mga record mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ni Misfit Sara upang malaman kung kaugnay ang mga assets at financial transactions sa idineklarang lehitimong pinanggalingan ng kita.

“Pero as far as the unexplained wealth team is concerned, naghahanda na po kami para pagpasok po ng gitna o hanggang dulo noon pong Setyembre, pwede na po kami maglatag ng ebidensya sa Senate impeachment court,” ani Ridon. “Speaking as the lead of unexplained wealth, tingin namin mas compelling ’yung charges ng unexplained wealth, but not to say na hindi mahalaga ’yung charges under bribery,” aniya.

“So dalawa na lang naman ’yung pinagpipilian, sa totoo lang, either bribery or unexplained wealth. And siyempre, speaking as the lead of unexplained wealth, tingin namin mas compelling ’yung charges ng unexplained wealth, but not to say na hindi mahalaga ’yung charges under bribery,” ani Ridon.

***

MAHUHUBARAN ang mag-asawang Duterte-Carpio sa pagbusisi at pagharap ng kasalukuyang estado ng kanilang pananalapi. Hindi namin alam kung paano iuugnay ang mga ito sa nawawalang confidential fund ng P612.5 milyon, pero alam ng mga tasador (accountant) kung ano ang gagawin. Pero alam namin na kumita ng malaki si Mans Carpio sa tax settlement ng Mighty Corporation na P25 bilyon sa gobyerno.

Ito ang pinakamalaking tax settlement sa pagitan ng isang pribadong kumpanya at gobyerno. Ipinagtanggol ito ni Gongdi at kahit ng kanyang finance secretary na si Cesar Dominguez noong 2018. Batid namin na regalo ito ni Gongdi sa mag-asawa dahil sa kanyang naging kapabayaan sa mga anak noong lumalaki sila. Tingnan natin.

***

HINDI pa lalaya si Rodente Marcoleta. Hindi dahil nagpiyan siya ng tig P30,000 sa bawat isa sa tatlong sakdal sa kanya ay makakalaya na siya. Hinahayaan ng batas na maglagak ng piyansa sa sakdal na “acceptance of gifts,” o pagtanggap ng regalo. Ngunit walang piyansa sa plunder.

Plunder ang sakdal ni Rodente. Humiling si Rodente sa Sandiganbayan ng payagan siya na maglagak ng piyansa sa sakdal na plunder. Nakabitin pa iyan. Ang ibinigay sa kanya ng husgado ay ang isang araw na makalabas upang makapagpagamot at hindi ang pansamantalang kalayaan kaugnay sa asuntong plunder. Mananatili siya sa piitan ng Quezon City.

***

INAASAHAN ni Kin. Terry Ridon na mapapabilis ang proseso ng impeachment trial dahil sa desisyon ng SIC na gawin na isang buong araw ang pagdinig. “Yun pong calendar na inilatag ng Senate Impeachment Court, makita po natin that may pagsalubong po yung korte doon po sa aming tunguhin na matapos na po yung paglalitis sa pinakamaagang panahon,” ani Ridon.

“So, nabanggit na po ng presiding officer yung kanila pong proposed schedule and timelines, kung saan I think we will be having entire days of proceedings and at the most, four days in a week, trial days,” aniya.

“So, tingin ko, malaki po ang pagpapabilis po nitong mga proseso na ito. And like what we had stated yesterday, I think as high as the three witnesses po yung pwede natin isalang pagka po ganyan po yung magiging araw nung pong paglilitis, from morning up until at the very latest talaga pong late evening,” aniya.

“So marami pong pagpapabilis na maiaambag po ito pong new timelines and schedules and dates.”