Advertisers

Advertisers

From A Very Reliable Source… Former ABS-CBN President CharoSantos Natuwa Nang Maka-Lunch Meeting Si Toni Gonzaga With Direk Paul Soriano

0 22

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

FROM my very reliable source, nagkita accidentally raw sa isang place si Toni Gonzaga at Mr. Carlo Katigbak, bago nangyari yung lunch meeting ni Toni with Ma’am Charo Santos just recently.

Yes, eversince ay gustung-gusto talaga ng ABS-CBN Corporation President (Carlo) si Toni kaya anytime ay bukas ang pinto ng said network para sa kanya. Hindi ba’t, during campaign period ay nag-resign si Toni bilang main host ng PBB dahil ayaw nito ng pressure sa kanyang paligid? Going back sa kanilang pagkikita, sinabi raw ni Mr. Katigbak kay Toni na gustong makipag-meeting ni Ma’am Charo sa kanya for a special project. At bilang respeto, sa request ni Ma’am Charo na ninang nila ni Direk Paul sa kasal at pagtanaw na rin ng utang na loob ay nangyari nga ang lunch meeting ng dalawa.



So, para sa mga nagmamarunong at nagmamaganda diyan, hindi si Toni ang nag-aaranged o nag-set ng meeting kay Charo kundi ang former CEO of ABS-CBN. And not true rin na nag-a-apply siya ng trabaho sa dating TV network na isa si Toni sa kanilang goldmine. Remember, nakatayong mag-isa si Toni at namamayagpag sa kanyang talk show vlog na “TONI TALKS” na mapapanood sa kanyang TONI GONZAGA STUDIO sa Youtube.

Million ang madalas na views ng bawat episode ni Toni and as of presstime ay 7.54 million (still counting) na ang subscribers nito. Hindi rin nawawalan ng endorsements si Toni at ang laki ng billboard nito sa Edsa para sa endorsement niya ng Uni-Love Baby Diapers. At kung gustong mag-produce ng movie ni Toni na pagbibidahan niya o nila ng sister na si Alex Gonzaga ay nariyan ang kanyang TinCan. Katuwang niya rito ang husband na si Direk Paul.

Now going back sa meeting nila ni Ma’am Charo, inalok daw ni Charo si Toni, na ang actress ang choice niya para bumida sa comeback ng kanyang Maalaala Mo Kaya (MMK) sa telebisyon. Chika ito ng aking source na never na kaming kinuryente.

At dagdag pa nito after daw ng MMK guesting ni Toni ay ilalagay siya uli sa ASAP, bibigyan ng pelikula sa Star Cinema and maybe other shows pa. Lahat daw ng ito ay napag-usapan sa nasabing lunch meeting, na approve na rin daw kay Cory Vidanes. Pero ang hindi tiyak ng aming mapagkakatiwalaang kausap ay kung tinanggap na ba lahat ito ni Toni? At inalok ba lahat yan ni Ma’am Charo sa kanya. Saka siyempre pagdating sa ganyang mga bagay bago magpirmahan ng contract, isa sa importanteng tao na magde-desisyon at mag-a-aprove niyan ay ang mom and manger ni Toni for more than 2 decades na si Mommy Pinty Gonzaga.

Yung pictures pala na kuha sa dinner meeting nina Toni at Ma’am Charo with Direk Paul na kalat sa social media at sa lahat ng social media accounts ng ABS-CBN ay pinick-up sa IG Stories ni Charo na bago niya i-post sa kanyang Instagram ay ipinagpaalam at humingi muna siya ng permiso kay Toni. At ang caption ni Ma’am Charo sa photo nila ng showbiz couple Toni and Direk Paul ay: “Catch up lunch with my inaanak @celestingonzaga and Direk Paul.” Siyempre, dahil malaking balita ito ay may mga pumick-up din sa post ni Toni sa kanyang IG Account na may caption na, “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you” na with a heart emoji pa. Tiyak na ikatutuwa at bunyi ng lahat ng million fans and supporters ni Toni ang good news na ito para sa kanilang Idolo!