Advertisers
Ni Anne Venancio
Nilinaw ni Ellen Adarna ang mga espekulasyon kaugnay ng exclusive backstage access na natanggap niya sa F Forever 1st World Tour concert sa Philippine Arena sa Bulacan noong June 27.
Si Ellen, na isang self-confessed fan ng F4 na binubuo nina Jerry Yan, Vic Zhou, Vanness Wu, at Ken Chu ng hit Taiwanese drama na Meteor Garden, ay nakasama backstage si Vanness Wu matapos ang concert. Sa naturang reunion tour, hindi nakadalo si Ken Chu at pinalitan siya ni Ashin ng Taiwanese rock band na Mayday.
Noong June 28, ibinahagi ni Ellen sa Instagram ang mga larawan at video nila ni Vanness na may caption na, “Jowa Reveal.”
Bagama’t maraming natuwa para sa aktres, may ilang netizens na nag-akusang nakuha niya ang backstage pass dahil umano sa koneksiyon niya sa Live Nation Philippines.
Sa isang Instagram Story noong June 30, mariing itinanggi ni Ellen ang alegasyon.
“Before spreading false information please fact check first.
Vanness personally gave us backstage access through his friendship with @rovilsonfernandez.
Live Nation had nothing to do with it. I’ve been friends with Rovilson since before showbiz, and he’s been good friends with Vanness for years.
They simply wanted to catch up, and we were fortunate enough to be invited along.
Not everything needs a conspiracy or special treatment. Sometimes it’s simply called friendship.
Next time, verify your information before making accusations.”
Ipinaliwanag ni Ellen na matagal na niyang kaibigan ang TV host na si Rovilson Fernandez, na naging malapit kay Vanness Wu nang magsama sila sa Asia’s Got Talent, kung saan hurado ang Taiwanese star at host naman si Rovilson.
May pabirong hirit din ang aktres sa kanyang post: “Pag inggit, pikit.”