Advertisers

Advertisers

Julia binisto, hubu’t hubad sa sariling bahay; Kathryn diniin, ‘di pinaretoke ang ilong

0 331

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAY basher na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw maka-move on.

Patuloy kasi na iniintriga ng basher ang ilong ni Kathryn Bernardo na dumaan daw sa surgery kaya maganda ngayon.



Pero itinanggi na ni Kath na wala itong ipinaayos sa kanyang mukha.

Mismong si Dr. Aivee ay nagpatunay na wala ngang naganap na retoke sa aktres.



Kaya naman imbiyerna ang dyowa ni Daniel Padilla dahil nag-post na naman ng before at after na larawan ng dalaga ang nasabing basher.

Muli ngang pinasinungalingan ni Kathryn na dumaan siya sa nose surgery.



Pagmamalaki pa ni Kath na all natural ang kanyang ilong at never niya itong ipinagalaw.

Inaasahan ni Kathryn na matitigil na ang pagpukol sa kanya ng intriga hinggil sa pagpaparetoke umano niya ng ilong.

Pero ayon kay Kath, ‘di naman daw niya tinututulan ang mga nagpapaayos ng parte ng kanilang katawan.

Katunayan ay bilib daw siya sa tapang ng mga dumadaan sa surgery para mas lalo pang gumanda.

***

INDEPENDENT na maituturing ang rumored gf ni Gerald Anderson na si Julia Barretto.

Sa sariling bahay ay nagagawa nito ang lahat na gusto nitong gawin.

Ibang-iba nga raw magsarili si Julia at umamin ito na ang ginagawa sa sarili niyag bahay ay never pa nito nagawa noong nasa poder pa ng inang si Marjorie Barretto.

Sa bahay nga raw ni Julia ay natutulog ito nang hubu’t hubad.

Dagdag tsika pa nito sa mga tanong ng kanyang YouTube subscribers at wala naman takot nitong inamin na nag-iikot ito nang nakahubad sa loob ng kanyang bahay.

Kahit nga raw sa pag-aalmusal ay nakahubad ito at malayang nagagawa ang nais.

May mga netizen namang nagtaasan ng kilay sa rebelasyon na isiniwalat ni Julia sa kanyang vlog.

Well, well, well…’Yun na!