Advertisers
Kulong ang isang matandang binata na wanted sa kasong statutory rape nang madakip sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas “Egay”, 52, ng Brgy. Bagbaguin.
Sa pangunguna ni P/Lt Jaime Abarrientos, agad naisagawa ang WSS ng operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado 12:30 ng tanghali sa Lucas St., Brgy. Maysan.
Inaresto ang akusado ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 4, 2024, ni Presiding Judge Evangelista S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City para sa kasong Statutory Rape (2 counts) na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Beth Samson)