Advertisers
Mahigpit na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni District Director Colonel Melecio Buslig, Jr. ang batas kontra sa paggamit ng mga ipinagbaba-wal na paputok upang matiyak ang isang ligtas at mapayapang pagdiriwang sa pagsalubong sa Bagong Taon 2025.
Ayon kay Buslig, batay sa Executive Order (EO) No. 28 at Republic Act (RA) No. 7183, ang mga sumusunod ay mahigpit na ipinagbabawal: Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star (Big), Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Special, Atomic Bomb, Atomic Triangle, Large-size Judas Belt, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, Kingkong, Kwiton, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke-in-Can, Pillbox, Kabasi, Tuna, at Goodbye Chismosa.
Ayon pa sa opisdyal, na-kipagtulungan din ang QCPD sa Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) para ipatupad ang mga regulasyon sa ilalim ng QC Ordinance No. SP-2587 na pinalakas ng QC Ordinance No. SP-3233. Ang mga mahuhuling lalabag ay maaaring mapatawan ng mga sumusunod na parusa:
• Pagbebenta ng walang pahintulot: Multa na P1,000 o pagkakakulong ng hanggang 3 buwan (o pareho), at posibleng pagkansela ng business permit.
• Paggamit ng walang pahintulot: Multa na P3,000 o pagkakakulong ng hanggang 6 buwan (o pareho).
• Paggawa ng walang pahintulot: Multa na P5,000 o pagkakakulong ng hanggang 1 taon (o pareho).
Dagdag pa rito, ang Ordinance No. SP-2587, ay mahigpit na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibigay ng paputok sa mga menor de edad. Ang mga lalabag ay mahaharap sa multang ?5,000 o pagkakakulong ng hanggang 1 taon (o pareho).
Upang masigurong nasu-sunod ang mga batas, magpapakalat ang QCPD ng mahigit 1,200 personnel at 2,203 force multipliers sa mga mall, transport hubs, parke, lugar ng pagsamba, at iba pang lugar na madalas puntahan ng tao. Mayroon ding 22 community firecracker zones at 2 fireworks display areas sa Quezon City na mahigpit na babanta-yan para sa kaligtasan ng publiko. (Almar Danguilan/Ernie Dela Cruz)