Advertisers
KAHIT noong siya ang nasa poder, nagpakawala ng sandamukal na fake news ang kampo ni Gongdi. Nabuhay ito sa fake news mula kampanya hanggang naupo sa Malakanyang. Bihira maglabas ng totoo ang kanyang propaganda team. Pawang basura ang ikinalat ng kanyang team na ang tanging kakayahan ay magpakawala ng fake news.
Nanatili ang ganitong pag-iisip at kalakaran sa grupong Davao City. Kamakailan nagpakawala si Gongdi ng fake news tungkol sa pambansa budget sa 2025. Nais ipahiwatig na pinirmahan ni BBM ang taunang budget na may kalapi na blank check kay BBm.
Agad sinagot ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Makalipas ang tatlong oras, si BBM ang nagsalita sa mabigat na akusasyon. Iisa lang ang suma-tutal ng pahayag ng dalawang opisyal; Sinungaling si Gongdi at nagkakalat ng fake news. Mangmang si Gongdi dahil nagsasalita sa mga usapin ng bansa ng walang masusing pagsisiyasat.
May basehan ang ganitong pananaw kay Gongdi dahil batay sa pagsusuri, napainan si Gongdi ng hindi kumpletong impormasyon ng isang hindi kilalang mambabatas na taga-Davao City.
Ayon kay Sal Panelo, binigyan ni Kin. Isidro Ungab ng Davao City si Gongdi ng kopya ng 2025 General Appropriations Act. Pirmado ni BBM ang kopya ngunit mayroon itong kalakip na 13 blankong pahina upang magmukhang kahina-hinala. Ito umano, ayon kay Panelo, ang batayan bakit nagsalita si Gongdi na ilegal ang budget.
Sa huling kopya na pinirmahal ni BBM, wala ang 13 blankong pahina. Pinirmahan niya ang huling kopya na aprubado ng Bicameral Conference Committee at sinang-ayunan ng Senado at Camara de Representante. Kaya kataka-taka na hindi ibinigay ni Ungab kay Gongdi ang final copy ng GAA. Kataka-taka na nagsalita si Gongdi ng walang masusing pag-aaral sa pambansang budget sa 2025.
Ngayon, si Ungab ang may problema dahil siya ang ipinalalabas ni Panelo na pinagmulan ng hindi pagkakaintindihan. Teka, may problema rin kay Gongdi. Hindi siya marunong magtanong at magsuri kung tama ang dumating sa kanya. Gayunpaman, kailangan rin magpalinag ni Ungab dahil siya ang naiipit. Ano nga ba Kin. Ungab?
***
BUHAY na buhay ang kaso ni Gongdi sa International Criminal Court (ICC). Kung si dating Sen. Sonny Trillanes ang tatanungin, hindi naantala ang proseso ng ICC. Patuloy ito sa pag-inog at anuman oras, maaaring arestuhin si Gongdi at dalhin sa The Hague upang papanagutin at magpaliwanag sa sakdal ng crimes against humanity na iniharap laban sa kanya.
“Base sa nahahagip natin na impormasyon ay wala naman nagiging delay. Talagang judicious lang yung kanilang proseso,” ani Trillanes, “pero, when it comes, I don’t think medyo matagal na yung aantayin natin, it would be a game-changer dito lalo na kung mangyari lahat yan before the elections.” Naniniwala si Trillanes na maapektuhan ang pagbabalik ni Duterte sa Davao City bilang alkalde kung darating ang arrest warrant laban sa kanya.
“Baka pati sa Davao maging game-changer yan. Mawala sa kanila yung Davao, manalo yung mga Nograles and it will also weaken the whole Duterte,” aniya. Nang tanungin ang kanyang hula sa takbo ng pulitika sa Davao City kung saan nahaharap si Gongdi kay Karlo Nograles, sinabi ni Trillanes: “Eh ayaw natin…Basta’t sabihin na lang natin hindi na matatagalan ang pag-aantay. Maaaring bumaba ang arrest warrant sa Hunyo o Hulyo, aniya. Hintayan ang laro.
“The first batch isa lang si Duterte lang the father tapos second batch na yung mga ibang principal actors. Yun po ang aking pagkakaalam,” aniya. “Puede na nating i-stretch yun. Sabihin mo ng basta middle of the year, siguro June, July doon mangyayari yan. It’s a waiting game at this point,” aniya.
***
NATANGGAP namin ang listahan ng mga organisasyon na sasali sa malaking rali ng mga sang-ayon sa impeachment ni Sara. Iginigiit nila ang pagpapatalsik sa puwesto kay Sara sa ilalim ng proseso ng impeachment na itinakda ng Saligang Batas: Narito sila: 1. Samahang Magdalo; 2. 1Sambayan; 3. Action for Economic Reforms; 4. Akbayan (Old); 5. Akbayan Youth; 6. Alliance of People’s Organization in Lupang Arenda; 7. Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM); 8. August Twenty-One Movement; 9. Bawat Isa Mahalaga; 10. Bikers for Good Governance; 10. Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals; 11. Bukluran ng Manggagawang Pilipino; 12. Caritas Philippnes; 13. Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); 14. Center of 15. Chamber of Real Estate and Builders’ Association, Inc.
16. Clergy for Good Governance; 17. Damayan ng Manggagawa, Magsasaka at Mangingisda sa Bansa Inc. ; 18. Democracy for 21st Century; 19. Doctors for Truth and Public Welfare; 20. Friends of CGG; 21. Global Transparency and Transformation Advocates Network.
Narito ang iba: 22. God’s People’s Initiative; 23. Good Wisdom For All Nations, Inc.
24. Healthcare Professionals Alliance Against COVID19; 25. Information Communications Technology for Good Governance ; 26. Justice and Peace and Integrity of Creation Commission (JPICC) of the Conference of Major Superiors in the Philippines; 27. K4Phil; 28. Kabataan Para Kay Luke at Leody; 29. Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFIs; 30. Kasambuhay OFW Foundation HongKong; 31. Kasarinlan at Kalayaan para sa Mga Kababaihan; 32. Kaya Natin! Youth; 33. Kidney Foundation of the Philippines.
34. Mamamayang Liberal; 35. NAGKAISA; 36. National Council of Churches in the Philippines; 37. National Federation of Labor (NFL) / Kampihan ng mga Maralita at Manggagawa (KAMANGGAGAWA); 38. Oriang Women’s Movement; 39. PAGCOR Employees’ Association;
40. PAKISAMA; 41. PasaLord Prayer Movement; 42. People’s Action Coalition; 43. People’s Choice Movement; 44. PhilHealth – Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment; 45. Philippine Council of Evangelical Churches; 46. PHILKita; 47. PiliNation
48. Samahan ng Manggagawa sa Komunidad – Valenzuela; 49. Samahan ng Progresibong Kabataan; 50. Sambilog; 51. Sangguniang Laiko ng Pilipinas; 52. SANLAKAS; 53. Senior for Seniors Association, Inc.; 54. Seniors On The Move; 55. Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa;56. September Twenty One Reform Movement; 57. Simbahan at Komunidad Laban sa ChaCha; 58. SimBayanihan – Novaliches; 59. SLB; 60. Student Council Alliance of the Philippines; 61. Teachers’ Dignity Coalition; 62. Truth and Transparency Trio
63. U.P. – Sandigan para sa Mag-aaral at Sambayanan ; 64. UP-Vanguards; 65. Urban Poor Associates; 66. Wag Kang KuCorrupt; 67. World Evangelical Alliance.
Marami pa ang nasa listahan pero ibibigay namin sila sa susunod naming kolum.
***
Email:bootsfra@gmail.com