Advertisers

Advertisers

Sigurado na, babalik na si Yorme Isko; Goodbye Honey Lacuna!

0 5,974

Advertisers

RAMBULAN at kaliwa’t kanang balimbingan na gayong napakalayo pa ng 2028 presidential elections, at nag-aaway-away na ang matitino, bayarang maka-BBM, maka-Leni, maka-Duterte para kumabig ng mga partido, supporter na aangkas sa pagtesting kung sino ang dominanteng partido at kandidato na malaking-malaki ang tsansa na manalo pagkatapos ng termino ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Di ba’t maagang nawarak ang alyansa nina PBBM at VP Inday Sara Duterte kaya ngayon pa lang laganap na ang party switching, paboritong prutas na ang matamis, masustansiyang balimbing!

Kawawa ang paruparo na ipinatutungkol sa kanila ang mga politikong walang buto, na sa konting kindat, kakapit at magpapalit sa partidong nasa poder at doon sila makikinabang.



Para silang prostitutes na palit ng palit ng partner basta may mahuhuthot na pera at pakinabang: only partners with benefits; linta ang mga politikong pag wala nang dugong masisipsip, bibitaw sa kinapitan upang manipsip sa bagong biktima.

Sa Pilipinas, uso ang temporary, pansamantalang alyansa politika, at unang prinsipyo, saan partido o politikong may makukuhang pakinabang!
***
Dahil sa rambulan at balimbingang politika sa bansa, pagtatayo sa sari-sariling interes ng mga partido at pamilyang politiko, sa halip na umangat, nalulubog sa putik at pusali ang buhay ng Filipino.



Walang direksiyong politika na kanya-kanya ng kabig sa kayamanan ng bansa kasabwat ang oligarkong na nasa likod ng mga popular na politiko na pinopondohan ng bilyon-bilyong piso, walang pagkakataon ang matino, tunay na makabayang Filipino na manalo at maiangat ang unang Republika sa Asya.

Kawawang prutas na balimbing na naging simbolo ng malagim na bayan ng mga “Tambaloslos” at “Paru-Parong Linta” ng politikong Pinoy.



Dahil sa Partido Balimbing at rambulang at karambolan at pansariling politika, imbes na maging matured at ganap na matatag ang Pilipinas, parang batang gusgusin at uhugin na kulelat sa karera sa paglago ng mga katabing bansa sa Asia.

Alam nyo ba na, may sariling car manufacturing ang Vietnam na dinurog ng US sa loob ng 30 taong giyera!
***
Dahal sa naging madumi at mabaho uli ngayon ang Maynila kumpara noong 2019-2022 na si Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso pa ang nakaupong alkalde, abala at nakapokus ngayon ang tambalang Isko-Chi Atienza kung paano nila maisasaayos o mababago ang Maynila — mula sa kaawa-awang itsura nito ngayon na napag-iwanan na naman ng mga katabing siyudad.

Noong panahon kasi ni Yorme Isko ay hinangaan ng buong mundo ang Maynila sa taglay nitong ningning at ganda.

Sa tambalang Isko-Chi ay plano rin nilang ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya ng Maynila na nitong mga nakaraang taon ay laging nasasangkot sa krimeng pangingikil etc. at pag-abuso sa kapangyarihan.

Kay Isko at Chi ay may nakakasa na silang plano at disenyo para muling maibalik ang ganda, ningning at dangal ng Maynila.

Tara na, sama na kayo, dito na tayo sa tambalang Isko-Chi kasama ang Yorme’s Choice team para sa dala-dala nilang pagbabago at pagpapaunlad ng Maynila.
***
Batay sa mga survey ng Social Weather, Pulse Asia, OCTA Research, PhilDATA Trends at sa latest survey – na tinanong ang mga iskolar ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay lalong pinatibay ang nakatakdang panalo at pagbabalik ni Yorme Isko bilang alkalde ng lungsod sa palapit na 2025 midterm elections.

Kasama na ang dumadagundong na sigaw: Bumalik ka na Yorme Isko, walang puknat na reaksiyon ng mga botante at ang tuloy-tuloy na paglago ng suporta sa kanya, hindi na mapipigilan pa, babalik na si Isko.

Panahon na para palitan ang liderato sa Maynila. Ang trabaho sa pagpapasigla at pagbabalik ng ningning at sigla ng Maynila ay nasa kamay lamang ni Yorme Isko Moreno.

Yorme Isko is really the man for the job to make Manila great again!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.