Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
HANGA si Rosanna Roces sa kalibre at lakas sa takilya ni Direk Darryl Yap na director ng blockbuster movie ni Kim Molina na “Jowables.”
Kaya nang ialok kay Osang ang “Paglaki Ko Ay Gusto Kong Maging Pornstar” na maglulunsad sa baguhang si AJ Raval ay agad niya ito tinanggap at excited siyang makatrabaho si Darryl.
“Napaka-bright naman kasi ng mind niya at dahil bata maraming bagong ideas kaya maganda ang kinalalabasan ng kanyang proyekto. Bilib ako kay Direk Darryl na
super bait palang kaibigan,” pagbibida pa ni Osang sa nasabing director na siyang may hawak din ng kanilang popular KPL (Kung Pwede Lang) series na mapapanood sa Viva Max.
Nasa Viva na pala si Rosanna at next year ay puro malalaking proyekto ang gagawin niya rito. Masaya ang Christmas ng mahusay na aktres dahil buo na ang kanyang pamilya na makakasama niya sa pagsalubong ng Pasko.
Mas lalo silang naging close ng anak na si Onyok at recently lang ay magkasama silang nag-grocery nito with partner Boy George (Blessy Arias). At touched pala si Osang kay Direk Darrl dahil bukod sa mabait at supportive ay generous daw ito na niregaluhan siya ng imported dog at gustung-gusto niyang brand ng watch na Wrist Pod.
“Thank you direk Darryl Yap. Bat alam mong wala akong relo? Tama ka need ko ng relo dahil mahaba-haba pang oras ang pagsasamahan natin. Salamat uli sa mga project mo na kasama ako. Pinaligaya mo ang PASKO at BAGONG TAON ko. Love You Direk,” mensaheng post pa ni Osang sa kanyang FB with matching tatlong hearts na emoticon.
***
Maribel Aunor successful businesswoman at all-out support sa daughters na sina Marion At Ashley
CHILL and cool Mommy si Maribel Aunor sa parehong artist daughters na sina Marion at Ashley Aunor.
Sa sobrang ganda ng PR ni Maribel ay namana ito ni Marion na magiliw talaga sa entertainment press at very professional kaya may narating ang career sa showbiz.
Yes, bukod sa napansin sa Spotify at ilang blockbuster movies ng Viva Films ay si Marion ang kumanta ng themesong. Well, noong panahon ni Maribel sa showbiz na member siya ng very popular na Apat Na Sikat ay wala ring pahinga sa rami ng shows ang showbiz mom na matagal nang successful businesswoman. Maswerte si Maribel sa negosyo at matagal siyang namayagpag sa kanyang pag-aaring Manpower Agency na nagpapadala sa iba’t ibang bansa ng professional, engineers, skilled, health and domestic workers at marami siyang staff dito.
May ilan din silang entertainers na pinapadala for Hong Kong. Ang maganda kay Ms. Lala kaya siya tagumpay sa negosyong ito ay gamay niya ang pamamalakad at siyempre dahil ‘yan sa magandang relasyon sa kanyang employees. And for her ay happy siya at nakatutulong siya na nakapagbibigay ng trabaho sa kapwa. Masaya rin si Lala sa nangyayari sa career nina Marion at Ashley na parehong may magandang project na naka-store ngayong 2021.
“Nakikita ko kasi sa kanila ‘yung teenaged days ko and natutuwa ako at behaved sila and parehong ine-enjoy ang kanilang musika na kumakanta at nagko-compose and nakaka-flatter na nagugustuhan ito ng Star Music.
“Magkaiba ng genre sina Marion at Ashley. Si Marion pop artist na nahilig sa pagkanta ngayon ng cover songs na mga sikat na OPM songs noon. At ang youngest ko naman na si Ashley ay rocker kaya rock yung genre niya,” say pa ni Lala na all-out ang support sa beautiful daughters.