Advertisers

Advertisers

ZSA ZSA SUMAILALIM SA ROBOTIC SURGERY

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

IBINAHAGI Zsa Zsa Padilla ang kanyang matagal nang laban sa congenital condition na “mega ureter” na naging sanhi ng paulit-ulit na UTI.

Last 2024 ay sumailalim na siya sa robotic surgery sa Singapore, naging matagumpay naman ito at nagdulot ng mabilis na recovery.



Dahil sa kanyang kondisyon, naudlot ang kanyang 40th anniversary concert noong 2023 upang bigyang-daan ang kanyang paggaling. Ngayong 2025, excited na siyang bumalik sa entablado para sa kanyang 42nd anniversary concert na Through the Years.

Handa na muli ang Divine Diva na umakyat sa entablado para sa kanyang 42nd anniversary concert sa darating na Mayo 17, 2025 sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati.

Ang singer ay ipinanganak na may mega ureter, isang congenital condition kung saan ang kanyang kaliwang ureter ay mas malaki kaysa sa normal.

Dahil dito, nakakaranas siya ng paulit-ulit na urinary tract infections (UTI) at kinailangang regular na uminom ng antibiotics.

January 2024 nang magpasya siyang magpunta sa Singapore upang sumailalim sa isang high-tech na robotic surgery.



Ayon sa kanya, “Sobrang high-tech ng procedure at wala akong naramdamang pain. Mabilis din ang aking recovery.”

Ibinahagi rin niyang wala siyang kidney disease.

“Btw, my Dr told me the procedure done was ROBOTIC LEFT URETERIC REIMPLANTATION & INSERTION OF LEFT DJ STENT. I don’t have a rare kidney disease- read it somewhere- so it’s not true. I was just born structurally different.”

***

GELA SOBRANG NERBIYOS KAY JUDAY

SUMABAK sa Bench Fashion Week para sa Spring Summer 2025 sina Robbie Jaworksi, Jameson Blake, Gela Atayde, Kira Balinger, at P-Pop artists na ginanap kamakailan sa BGC.

Regarding Gela, ang layo na talaga ang nararating ng anak ng veteran aktres na si Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde.

She’s doing on her own sa kanyang showbiz career without the help of her mom at mga kapatid na sina Ria at Congressman Arjo Atayde.

Hindi sa akting unang sumabak si Gela kundi sa pagsasayaw.

Noon pa mang younger days ay nakikita na naming mahilig magsayaw si Gela.

Nasali siya sa dance group competition named Legit Status sa abroad and they won the grand finals as World Hip Hop Dance Competition.

From then on nag tuluy-tuloy ang career ni Gela sa dancing hanggang naging host siya ng dance competition, titled Time To Dance with Robi Domingo.

In fairness, ang husay maghost ni Gela marunong siyang sumalo sa mga adlib ni Robi.

Sinubukan din niyang mag-try sa akting.

Nakasama siya sa teleserye ni Andrea Brillantes, sa Senior High kung saan nagkaroon pa ito ng second season na High Street.

Tuluy-tuloy ang bllessings na dumarating kay Gela.

May TVC na rin siyang ginawa kasama ang malalaking artists ng showbiz na sina Gary Valenciano at Marian Rivera, ang 50th anniversary ng Shakey’s.

Nakakwentuhan namin minsan si Gela.

Aniya, she’s happy sa dumarating na blessings sa kanya.

Thankful siya sa kanyang mom at Papa Art na laging nakasuporta sa kanya also her siblings, Cong. Arjo at Ria.

Having the TVC with Gary V and Marian, “hindi ko po akalain na makakasama ako sa kanila. Na-surprise po talaga ako at starstruck with these two big actors in showbiz working of. They are amazing people. Grabeee po.”

May bagong project ding ginawa si Gela na hindi pa naipapalabas, ang Bagman.

Makakasama niya rito ang kanyang Kuya Arjo at ang Teleserye Queen Judy Ann Santos.

Natanong namin si Gela how was it working kay Teleserye Queen?

Ani ng versatile young actress, “at first po talagang kinakabahan ako. Hindi ako makapagbitaw agad ng line ko dahil nauunahan ako ng nerbiyos. But I admired Ate Juday, inaaalalayan niya ako. She comforted me everytime na may eksena kami she’s holding my hands. Lalo pa at kelangan tagalog ang dialogue ko at mahahaba pa. E knowing po naman na baluktot ako managalog at may time pa po na may sinasabi ako which hindi ko po alam ang meaning. Ini-explain po na mabuti sa akin ni Ate Juday. Ganun po siya super bait at very humble.”