Advertisers
By Beth Gelena
Sumailalim sa isang operasyon ang Content creator na si Toni Fowler para alisin ang breast implant 10 years.
Pagbabahagi ni Fowler sa kanyang latest vlog:
“Inuna ko muna ‘yung ten years of relevance na celebration ko with the ToRo family,” aniya.
“Inuna ko muna ‘yung mga trabaho ko, ‘yung mga dapat kong tapusin, bago talaga ako magpa-opera.”
“Buong buhay ko, hindi ko talaga ang experience ang maging flat…kaya talagang naging fantasy ko talaga na maging flat…ewan ko… eh kasi diba ganon naman ‘yung buhay, kung anong wala sa’yo ‘yun ‘yung gusto mong ma-experience. Gusto kong maging flat talaga,” paulit ulit niyang sabi.
She also spoke about the physical discomfort she had lived with over the years. “Kasi ang hirap na rin sa araw-araw ng buhay ko na palaging ang bigat-bigat ng dala ko…ang hirap…kaya it’s about time na tanggalin na ang nagpapa-kuba kay Toni Fowler.”
Sinamahan siya ng partner niyang si Vince Flores, habang siya ay nagpapagaling.
Her daughter, Tyronia, also made sure to support her once she returned home.
Expressing her gratitude, Toni said, “Sobrang ma-swerte ko talaga sa mag-ama ko kasi binabantayan nila ako. Actually, tandem sila pero mas grabe ‘yung sacrifice ni Vince. Halos wala na siyang tulog, pinapakain niya ako palagi, at syempre may sinusunod kaming oras ng gamot. Grabe talaga ‘yung pag-aalaga niya sa akin mula noon hanggang ngayon.”
Bumisita rin ang kanyang anak na si
Tyrone, while she continued recovering from surgery.
Isa sa mga pinakanakaaantig na sandali ay nang tuluyan nang alisin ni Toni ang gasa na nakatakip sa kanyang mga sugat mula sa operasyon at makita sa unang pagkakataon ang resulta.
Kapwa sila nagulat ni Vince sa kapansin-pansing pagbabago.
“Grabe sobrang gaan,” ani Fowler.
“Nakakapanibago,” aaad naman ni Vince.
Ayon pa sa kanyang partner, wala raw mababago sa kanyang pagmamahal kay Toni.
“Nung nakita ko…sa salamin, parang bigla akong nalungkot. Pero masaya ako at the same time. Masaya ako kasi nagustuhan ko ‘yung gawa sa akin…ang ganda niya, hindi na siya ganon kalaylay kasi nga nagka-baby na ako.”
Kuwento pa niya, “Nung gumilid na ako — oo gusto kong maging flat pero parang naramdaman ko na hindi ako babae. Kasi diba all my life parang ‘yun ‘yung nagbubuo sa pagka-babae ko eh…so nung time na nakita ko na flat na siya…hindi ko na feel na parang mommy ako, na babae ako. Parang na-feel ko na ‘hala, hindi ako babae’. May ganon pero alam kong emosyon ko lang ‘to dahil nga groggy pa rin ako sa gamot, anesthesia, and nalilito pa rin ako kasi big change ‘to sa katawan ko. ”
Ipinakita rin niya ang implant na inilagay sa kanyang katawan sa loob ng 10 taon ay may bigat na 280 grams.
“Oh my god, ang bigat nito sa araw-araw na buhay ko. Sobrang bigat niya, ngayon ang gaan-gaan na.”