Advertisers

Advertisers

Cianne kinuyog sa pagsawsaw sa buntis issue ni Kim

0 2

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Naging paboritong pulatanin ngayon ng bashers ang TV host-singer na si Cianne Dominguez dahil sa pagpatol niya sa isang kate-katerang netizen.

Pinagpipiyestahan kasi ng mga nagmamarisol ang diumano’y ‘baby bump’ ng cohost niyang si Kim Chiu.

Sey ng isang netizen, hindi man siya isang ina, bilang nars , sa tingin niya ay buntis si Kim.

Hirit pa niya, itataya raw niya ang kanyang lisensya pag nagkamali ang kanyang kutob.

Pinatulan naman ni Cianne ang komento ng nasabing nars at sinabihan itong isoli na niya ang kanyang lisensya dahil siya na ang nagpapatunay na di preggy si Kim.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang naturang pagpatol ni Cianne sa nabanggit na netizen.

Ito naman ang hirit ng mga tsismosang kapitbahay sa mainit na isyu.

“Nakuyog si Teh ng KimPau kasi bida-bida.”

“Hahaha.Lumevel kay Bela sa pagsawsaw sa isyu.”

“Dati pag-freeze ng eggs ang pinag-uusapan, ngayon preggy na.”

“Spokesperson na ba siya ni Kim?”

“Ang tanong. Ganoon ba siya ka-close kay Kim?”

“Ang alam ko, acquaintance level lang sila ni Kimmy sa Showtime.”

“She’s only defending Kim kasi katrabaho niya.”

“May bagong ia-unfriend si Kim.Hahaha.”

“Dedma lang si Kim tapos nadiin pa.”

“Need ba talaga niyang patulan iyan para maging relevant.”

“Nag-divulge ba sa kanya si Kim?”