Advertisers

Advertisers

Ashley Lopez, thankful sa master directors na sina Joey Javier Reyes, Laurice Guillen, at Joel Lamangan

0 3

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

SUMABAK ang sexy actress na si Ashley Lopez sa FDCP Acting Workshop for Filipino Talents 2026.

Isinagawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang “The Masters Series: FDCP Acting Workshop for Filipino Talents 2026” mula Hulyo 7 hanggang 16, 2026. Ang masinsinang programang ito ay pinangunahan ng master directors na sina Joey Javier Reyes, Laurice Guillen, at Joel Lamangan.

Bago natapos ito ni Ashely, nakahuntahan namin ang masipag na alaga ni Jojo Veloso.

Kuwento sa amin ni Ashley, “Okay naman po ang workshop, pang-eaight day na po namin. Bale 10 days workshop po kasi siya with direk Laurice, direk Joey and direk Joel.”

Aminadong kinabahan din daw siya sa nasabing workshop.

“Noong una po yes, kasi maliban sa tatlong elite po ng industry na ito ang magtuturo, puro theater actors din po ang kasama ko. Pero ngayon po, maliban na natulungan na ako ng workshop, nagkaroon din ako ng mga kaibigan na genuine,” aniya.

Palagay niya, ano ang epekto ng acting workshop sa kanya bilang aktres?

“I think, masasabi ko po talaga na nag-improve rin ako, kasi mas lumalim yung kaalaman ko sa industry na ito.”

Ano ang masasabi niya kina direk Laurice, direk Joey and direk Joel sa workshop na iyon?

Tugon ng magandang aktres, “They’re really good. And I can say that they’re really pushing me harder and the others to be better. Ang dami kong natutunan like, dapat pala ganito yung gawin bago mag-shoot, dapat pala ganito ang ginagawa sa script. Mga ganoon pong bagay.

“Kaya sobra po akong nagpapasalamat sa kanilang tatlo po.”

Nabanggit din niya kung bakit naisipang sumali sa workshop.

“Last year pa po ako naghahanap ng workshop sa Viva. Pero ang mayroon lang po kasi sa kanila ay workshop for Viva One.

“So, noong nakahanap po yung isang kaibigan ko na si Kent Domingo, siya ang nag-push sa akin na sumali rito and thankfully, pareho po kaming natanggap,” esplika pa niya.

Anyway, abangan si Ashley sa comeback movie ng Viva Hotbabes na pinamagatang “MILF.” Tampok dito sina Sheree, Katya Santos, Maui Taylor, at Gwen Garci.