Advertisers

Advertisers

Vice Ganda happy sa pag-aalaga ni Ion nang maaksidente sa Showtime; Stell ng SB19 pinatulan ang basher nang tawaging produkto ng ‘Thank you Doc!’

0 23

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SOBRANG happy si Vice Ganda dahil sa pag-aalaga sa kanya ng mister niyang si Ion Perez.

Ayon sa TV host-comedian, hindi raw siya makalakad matapos ma-injury sa paa sa set ng It’s Showtime.



Sa video na ibinahagi niya sa Instagram, makikitang covered ng bandage ang kaliwang paa ni Meme Vice, na nililinisan naman ni Ion.

“I injured my foot yesterday in ‘Showtime’,” sabi ni Vice Ganda sa Instagram Story

“Last night, he asked his therapist to come over to check. Today, he stays beside me to take care of me coz I can’t walk,” dagdag niya.

“I’m so blessed! I love you babe!” sabi pa ni Vice.

***



PINATULAN ni SB19 member Stell Ajero ang isa niyang basher.

Nag-comment kasi ito sa selfie ni Stell at sinabing naging guwapo lang daw ito ngayon dahil sa “Thank You Doc” o pagpaparetoke.

Hindi nga ito pinalampas ni Stell at binuweltahan ang basher.

“Halaaaa amoy insecure,” matinding resbak niya.

Dahil sa pagsagot ni Stell sa kanyang basher, binura nito ang kanyang komento.

Ilang netizen naman ang nagsabing walang masama sa plastic surgery.

Sabi ng isa,”Nothing wrong with plastic surgery. Let others be and mind your biz. Di naman yan nagnakaw sa kaban ng bayan.”

Ang sabi naman ng isa pa, “Why not? Ang pleasant nya panoodin sa screen after enhancements.”