Advertisers
POSIBLENG makaboto na ang mga senior citizen nang ligtas sa peligro ng Covid-19 sa pamamagitan ng absentee voting.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mayroon na rin nagpanukala nito kaya naman nakikipagtulungan na ang Comelec sa Kongreso.
Mayroon din aniyang suhestyon na makaboto ang mga senior citizens sa pamamagitan ng mail-in system ngunit mas kumplikado umano ito sa absentee voting.
Ayon kay Jimenez, suportado ng Comelec ang mga pamamaraan ngunit pagdating aniya sa mail-in voting, hindi lamang ang Comelec ang kausap dito dahil kailangan ang postal service.
Bukod dito, hindi rin tiyak kung kakayanin ng postal service sa bansa na hawakan ang ganitong kalaking trabaho. (Jocelyn Domenden)