Advertisers
PANATAG ang Department of Health (DOH) na wala pa rin naitatalang kaso ng UK variant ng COVID-19 virus sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ng DOH sa gitna ng mga ulat na nakapasok na sa bansa ang tinaguriang mas nakakahawang anyo ng SARS-CoV-2 o virus na nagdudulot ng COVID-19, na unang kumalat sa United Kingdom.
“This is to clarify that as of January 2, 2021, the Philippine Genome Center has not detected the UK variant in the country,” batay sa anunsyo ng DOH.
Ayon pa sa DOH, simula Lunes, Enero 4, ay diretso na sa proseso ng genome sequencing ang RT-PCR positive samples ng mga biyaherong galing sa mga bansang may kaso ng UK variant.
Sinigurado pa ng Health department na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para maipatupad ang mahigpit na magbabantay sa entry points ng bansa.
“Rest assured that the DOH is working with relevant agencies to ensure that stricter measures of control are being implemented in all ports of entry.”
Panawagan ng DOH sa publiko na paigtingin pa ang pagsunod sa minimum public health standards, na siyang pinaka-epektibong paraan laban sa ano mang pagbabago ng anyo ng virus.
“We urge everyone to keep practicing the minimum public health standards — the only universally effective protocol against any mutation, variant, or strain.” (Josephine Patricio)