Advertisers
NILINAW ni Manila Mayor Isko Moreno na mandatory at hindi voluntary ang pagsalang sa swab test ng mga bakasyunista na magbabalik sa Maynila.
Ayon kay Moreno, hinihikayat niya ang lahat ng mga bakasyunista na sumalang sa libreng swab test upang matiyak na hindi sila nahawa ng covid-19 habang nagdiriwang ng Holiday season sa kanilang mga probinsya.
Aniya, ito ay isang pre-emptive measure ng pamahalaang lungsod ng Maynila upang matiyak na tataas ang bilang ng covid cases sa lungsod na sa kasalukuyan ay nasa 300 margin.
Maari umanong sumalang sa swab test sa anim na ospital sa Maynila, mga malls at terminal.
Paliwanag pa ng alkalde, ang mga tatanggi sa swab test ay walang magagawa kundi sumalang sa swab test dahil libre naman ito.
Samantala, muling giniit ng alkalde na walang magaganap na Traslacion sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno.
Gayunman, upang mapagbigyan ang mga deboto ay isasara ang ilang kalsada upang makapaglagay ng wide screen para sa mga deboto na nagnanais makadalo ng misa sa mismong araw ng Kapistahan ng Itim na Nazareno. (Jonah Mallari)