Advertisers

Advertisers

Sen. Sotto nais ipatawag si Gen. Durante sa pagbakuna sa PSG

0 290

Advertisers

SANG-AYON si Senate President Vicente Sotto III na ipatawag sa isang pagdinig sa Senado ang commander ng Presidential Security Group (PSG) na si Brigadier General Jesus Durante III.
Kaugnay ito ng naunang pagpapabakuna ng ilang miyembro ng PSG gamit ang hindi awtorisadong COVID-19 vaccine.
Gayunman, sinabi ni Sotto na nais niyang magkaroon ito ng hiwalay na pagdinig at hindi isabay sa nakatakdang hearing ng senado sa Enero 11, kaugnay sa plano ng pamahalaan sa paglulunsad ng COVID-19 vaccination program sa bansa.
Ayon kay Sotto, hindi kabilang ang usapin sa maagang pagpapabakuna ng PSG sa kanilang natalakay na magiging agenda ng pagdinig sa Enero 11.
Partikular aniyang tututukan sa senate hearing ang isyu kung paano bibili, paraang ng pag-iimbak o pagtabi sa bakuna at paggugol sa nakalaang P72.5-B na pondo para sa dito. (Mylene Alfonso)