Advertisers
KLINARO ng Commission on Elections (Comelec) na wala pang kautusan upang ipagpaliban ang proklamasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang halal na Alkalde ng Davao City, sa kabila ng kanyang pagkakaaresto at kasalukuyang pagkakakulong sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, mananatiling kandidato si Duterte at maaari pa ring maiproklama bilang alkalde hangga’t walang pinal na hatol ng pagkakakulong laban sa kanya.
Sinabi ng Poll Body Chief na ang pagkakaaresto ay hindi otomatikong nagdidiskwalipika sa isang kandidato, maliban na lamang kung may pinal na hatol ng pagkakasala.
Kung mananalo si Duterte habang nasa kustodiya ng ICC, maaari pa rin siyang maiproklama bilang alkalde.
Gayunpaman, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magpapasya kung maaari niyang gampanan ang kanyang tungkulin habang nakakulong.