Advertisers
HANDA umano si Akbayan first nominee Atty. Chel Diokno na maging bahagi ng prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Diokno, bukas siya na maglingkod, batay sa kanyang karanasan sa mga kasong may kinalaman sa impeachment, kabilang ang pagiging team leader sa impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 2000.
Sa isang panayam sinabi ni Diokno na hindi siya “nagpupumilit ng serbisyo,” ngunit handa siyang maglingkod bilang miyembro ng prosecution.
Inilahad din niya na mahalagang ipagpatuloy ang impeachment ni VP Sara.
Samantala, patuloy na nangunguna ang Akbayan Party-list sa partial at unofficial results ng party-list race at inaasahang makakakuha ng tatlong upuan sa Kamara de Representantes sa pagtatapos ng eleksyon.