Advertisers

Advertisers

Transport COOP president tinumba

0 241

Advertisers

LAGUNA – Itinumba ng riding in tandem criminals ang pangulo ng San Pedro Transport Cooperative Association matapos dumalo sa misa ng kanilang relihiyon sa Barangay Narra, dito sa Lungsod, Linggo ng hapon.
Kinilala ni Police Lt. Col. Jesus Lintag, hepe ng pulisya, ang biktimang si Alex Sabolbora, 52 anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, 2:00 ng hapon, katatapos lamang ng misa nang maganap ang pamamaril habang naglalakad ang biktima patungo sa nakahimpil nitong motorsiklo ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang simbahan, kungsaan siya inabangan ng mga salarin na sakay ng motorsiklo.
Matapos ang pamamaril at matiyak na wala nang buhay si Sabolbora, mabilis na tumakas ang riding in tandem.
Nagsasagawa pa ng imbestogasyon ang pulisya.
(Dick Garay)