Advertisers

Advertisers

Mommy, 3 anak patay sa araro ng van

0 235

Advertisers

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang ina at tatlo nitong anak nang araruhin ng Elf van ang sinasakyan nilang motorsiklo Linggo ng gabi sa bayan ng Mabolo, Cebu.
Kinilala ang mag-iina na sina Alona Salon, 47; mga anak na sina Jason; Erika, 16; at Jay, 12, mga residente ng Mabolo.
Nakakulong na sa Mabolo Police Station ang driver ng Isuzu Elf van na kinilalang si Welmer Imbudo, 40.
Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Busay. Lulan ang mga biktima sa motorisklo na minamaneho ni Jason nang pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada ay bigla silang inararo ng van. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima at pumailalim pa sa van sina Alona, Erika at Jay na naging sanhi ng agad nilang kamatayan.
Isinugod pa ospital si Jayson subalit nalagutan din ng hininga.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property si Imbudo.