Advertisers

Advertisers

Valenzuela City ID Validation Portal, inilunsad

0 68

Advertisers

Upang mabigyang proteksyon at karapatan ang mga Persons with Disabilities at Senior Citizens , maging ang mga establisimyento, naglunsad ang lokal na pamahalaang Valenzuela ng bagong official design ng Valenzuela’s PWD and Senior Citizen ID card na may new digital portal.



Ayon kay City Mayor Wes Gatchalian, ang bagong ID ay nagtatampok ng holographic seal –  tamper-resistant tool upang maiwasan ang pagpapalsipika  nito na rehistrado sa  centralized data system.

Makikita ito online sa https://valid.valenzuela.gov.ph/ via desktop or mobile devices, na simpleng maisasagawa ang balidasyon ng Senior Citizen at PWD ID .

Ito ay sa ilalim ng Ordinance 1231, Series of 2024, na pinapahintulutan ang mga establisimyento na kumpiskahin ang peke,  tampered, o  falsified IDs at isusumite sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa loob ng tatlong araw na may karampatang multa at kasong kriminal sa lalabag sa ordinansa.

Kamakailan lamang ay nakahuli ang pulisya ng isang babaeng taga-lungsod na nagbebenta ng mga pekeng Senior, PWD at fake driver’s licence online

Kabilang sa dumalo sa paglulunsad ng nasabing programa sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Councilor Atty. Bimbo dela Cruz at city council, at iba’t- ibang samahan.(Beth Samson)