Advertisers

Advertisers

Parak timbog sa robbery- extortion sa Caloocan

0 31

Advertisers

Arestado ang isang police corporal sa mismong headquarters na nakatalaga sa Northern Police District na sangkot sa robbery-extortion at carnapping sa lungsod ng Caloocan, nitong Miyerkoles.

Ayon pa sa mga biktima, nananakit pa raw ang suspek sa mga biktima na hindi nagbibigay ng pera sa dalawang suspek.

Sinabi ng isa sa biktima na isinasakay siya sa isang SUV ng dalawang lalaki sa North bound ng EDSA kung saan may nakasakay pa din biktima sa sasakyan.



Hinihingian ng pera ng 2 suspek ang mga biktima at binugbog ng walang maibigay na pera hanggang sa magpasaklolo ang isa sa biktima sa kapatid upang magbigay ng pera.

Ibinaba naman ang isang biktima sa lugar na pinagkuhanan sa kanya at kinuha ang motor nito ng walang maibigay ng pera.



Tinutugis naman ng pulisya ang kasamahan ng police officer. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">