Advertisers
Nakakasuka ang naisip na “gimmick” ng mga animal na political handlers at trouble- shooters ni Marcos Jr. na ang pangunahing agenda ay iligtas ang leeg ng Presidente sa kapalpakan at mga kagaguhang pinaggagawa.
Ang gustong isakripisyo at palabasing masama at malatuba ay ang kanyang mismong mga kaawa- awang tao na miyembro ng kanyang gabinete.
Anong klaseng tao ang Presidente?
Lumutang talaga ang ugaling HAYOP ng ulupong na ito.
Gustong palabasin sa publiko na mga tolongges,korap at inutil ang kanyang gabinete kaya naman malatubang serbisyo ang nakararating sa tao.
Pilit na inililigtas sa katangahan at pagiging inutil na lider ang kanyang sarili.
Naatim at nakayang isakripisyo ang kanyang mga hand-picked secretaries and advisers na kasama- sama sa araw- araw.
HUDAS talaga!
Makaraang pagsilbihan nang buong katapatan ng kanyang gabinete ang Pangulong ingrato,nakuha pa nitong ipagkanulo at isakripisyo ang kanyang mga sariling tao.
Blaming everybody except himself.
Wow!
Only in the Philippines!
Panibagong pambubudol na naman sa mamamayang Pilipino, ang drama ng mga binansagang bayarang “trouble- shooters” ng Malacanang.
Pinalalabas na inutil ang mga miyembro ng gabinete ni Marcos Jr.kaya malatuba ang uri at kalidad ng performance ng Marcos Jr. administration.
Pero ang totoo,kaya malatuba at very poor ang performance ng GOBYERNO ay dahil,tolongges, weak at incompetent ang nakaupong Presidente.
Real talk lang po!
At kahit kailan man,hindi krimen ang paglalahad ng buong katotohanan.
As the saying goes,TRUTH HURTS!
Tumatagos talaga ito sa konsensiya at kaluluwa ng isang tao, gaano man kaitim ang buto nito.
Walang spiritual and moral accendancy to lead this country ika nga.
Ang kapal ng face to call for mass resignation ng miyembro ng kanyang gabinete, na di hamak namang kagalang– galang at kapuri- puri ang credentials at educational attainment kumpara kay Marcos Jr.
The nerve of this President!
Masyado namang mababa at hamak ang pagkakilala nang nakaupong Presidente sa mga Pilipino!
Isang controversial Oplan mo lang or shall we say GIMMICK at script ay mapapalundag mo na agad ang sambayanang Pilipino?
Sirang- sira ka na Mr.Marcos and no amount of sugar- coating and repackaging of your tainted image can spare you.
Kahit ubusin nyo pa ang bilyones na halaga sa pag- importa ng mga PR specialists,di na makakatulong pa para pabanguhin ang nangangalingasaw mong pagkatao.
Enough is enough.
Napagkalooban na kayong mga Marcos na pangalawang pagkakataon ng mga Pilipino na ibangon ang puri ng inyong pamilya ngunit ikaw mismo ang nagbasura, sumayang at sumalaula sa pagkakataong ipinagkaloob sa inyo ng taong bayan sa tulong ng pamilya Duterte partikular na ni Vice President Inday Sara Duterte. Ngunit kataksilan at panlililo ang inyong isinukli sa tanging pamilyang di nagkait na kayo ay tulungan.
Mukhang na- under- estimate mo ang ugali,paninindigan at pagrespeto ng bawat Pilipino sa kataga o salitang UTANG NA LOOB at TIWALANG ipinagkakaloob.
HUDAS at ulupong ang tawag ng mga Pilipino sa taong katulad mong walang (P)UTANG na loob!
At ‘yan ay hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino hanggang sa iyong mga huling sandali.
Mark my word ingratong Pangulo!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com