Advertisers
Nasawi ang mag-asawa at anak nila nang pasukin ng mga lalaking may mga bitbit na maso ang kanilang tahanan at agad na pinaghahataw ng paulit-ulit noong Miyerkules ng gabi, May 21, 2025.
Kinilala ang mga biktima na sina Jovany Andohon, 50-anyos; 48-anyos na misis na si Evangeline; at anak na si Ivan.
Naganap ang ang pagpatay sa mag-anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Managok sa Malaybalay City sa probinsya ng Bukidnon.
Dalawang babaeng kapatid ng napaslang na si Ivan, 14-anyos, high school student, ang nagkumpirma sa ginawa ng mga salarin sa kanilang kuya at mga magulang.
Nasa kustodiya na ng kanilang mga kamag-anak at mga barangay officials sa Managok ang dalawang batang nakaligtas sa insidente.
Mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa mag-anak, iniwan ang mga maso na kanilang ginamit sa krimen na natagpuan ng mga barangay officials at mga imbestigador mula sa Malaybalay Municipal Police Station na nagresponde sa insidente.
Nagtutulungan ang pulisya at mga local executives sa pagkilala sa mga pumatay sa magkabiyak na Andohon at kanilang anak na si Ivan upang agad na masampahan ng kaukulang mga kaso.