Advertisers

Advertisers

Benilde winalis ang Mapua, swak sa NCAA men’s volleyball Final Four

0 28

Advertisers

WINALIS ng De La Salle-College of Saint Benilde ang league-leading Mapua University, 25-22, 25-20, 25-23, Biyernes sa NCAA Season 100 men’s volleyball tournament para maka book ng ticket sa Final Four.

Pinamunuan ni Marasigan ang opensiba ng Taft-based squad sa iniskor na 14 points at 14 receptions, habang Motol at Herrera nag-ambag ng tig-11 points.

Samantala, ang Blazers na napigilan ang scoring leader Barbie San Andres sa nine points,habang si Arjay Ramos may 11 points para sa Mapua.Olsen Jamisola nagdagdag ng 10 points.

Dahil sa panalo, ang Benilde ay nakabalik sa Final Four sa unang pagkakataon simula sa Season 94 noong 2019 na kanilang narating ang finals laban sa University of Perpetual Help System DALTA. Sa Season 95, ang tournament ay maikling naputol dahil sa pandemic,habang na kaligtaan ang semis bus sa Season 98 at 99.walang men’s tournament na naganap sa season 96-at 97.

Ang panalo ang nagtulak sa Benilde sa second spot na nag-improved sa 13-3 sa likuran ng league-leading Cardinals na nadulas sa 14-3.

Makakaharap pa rin ng Blazers ang defending champion Perpetual at Lyceum of the Philippines University, habang ang Final Four bound Mapua ay tatapusin ang elimination round laban sa Colegio de San Juan de Letran sa Miyerkules.