Advertisers

Advertisers

RETIRE FOR GOOD, MR. CHIEF PNP

0 6,126

Advertisers

HUMIHINGI tayo ng paumanhin kay PCol. Hector Grijaldo matapos nating maisulat sa nakaraang column na ‘X-Man’ (retired) na siya. Hindi pa pala. Sa tagal kasing ‘na-freezer’ si Col. Grijaldo nang liderato ni Chief PNP Rommel Marbil at wala na halos balita sa kanya, inakala nating ‘retired’ na siya. ‘Mea culpa,’ Col. Grijaldo.

Noong Biyernes, pormal nang naghain ng ‘writ of habeas corpus’ sa Court of Appeals si Col. Grijaldo para nga makalabas na siya sa kulungan, matapos ipakulong ng ‘House Quadcomm’ noon nakaraang Disyembre.

Katulad ng naisulat natin, mistulang “nakalimutan” ng Kongreso na may ipinakulong silang opisyal ng PNP (Col. Grijaldo) dahil lang hindi “sumayaw” sa gustong “tugtog” ng Quadcomm para siraan si ex-PDU30 at ang kanyang ‘War on Drugs.’

At sa insidenteng ito, tila “nakalimutan” din ng liderato ni Chief PNP Marbil na mayroong isang opisyal ng PNP (Col. Grijaldo) na ang mga karapatan ay patuloy na nalalabag hanggang ngayon.

May “tsismis” na gusto pang “humirit” ng dagdag na ‘6-months term extension’ ni Chief PNP Marbil kahit nabigyan na siya ni PBBM ng palugit na anim na buwan

Kung saan kumukuha ng kapal ng… tiwala sa sarili si Gen. Marbil para sa term extension, hindi natin alam.

Aminin man ng PNP o hindi, “palpak” ang termino ni Gen. Marbil at siya ang dapat inutusan ni PBBM na magretiro dahil naging pabigat sa kanyang administrasyon.

Aber, nasa punto tayo ngayon na mas malaki pa ang tiwala ng Palasyo at ni ES Lucas Bersamin sa PAOCC ni Usec. Gilbert Cruz para mabigyan ng proteksyon ang ating mga kababayan at mga ‘foreign nationals’ partikular na ang mga Koreano.

Sa sitwasyon ni Col. Grijaldo, ipinakita rin ni Gen. Marbil na wala siyang pakialam at malasakit sa kanyang mga opisyal dahil lang ‘identified’ sa mga Duterte.

“Pabaya” sa trabaho at walang malasakit sa tauhan, bibigyan pa ng ‘term extension?’

‘Just retire for good, Sir Chief PNP. And save our country from yourself,’ hane?

Abangan!