Advertisers

Advertisers

ROBBERY INCIDENT SA CHINESE RESTO SA SAN JUAN, FAKE NEWS – COL. MARMOL!

0 35

Advertisers

KAKASUHAN ng Pambansang Pulisya ang nagpakalat ng “fake news” ng robbery incident sa isang Chinese restaurant sa lungsod ng Green hills, San Juan.

Ito ang tinuran ni San Juan City Chief of Police P/Col. Deodennis Marmol, dahil umano sa pekeng anunsyo na kumalat sa mga messaging sa APP social media.

Nakasaad din umano sa pekeng balita, isang babaeng costumer ng Lugaw Cafe ang sinaksak matapos tumangging ibigay ang kanyang gamit so mga suspek.

Ayon kay Col. Marmol, mismong restaurant ang naglabas ng statement para pabulaanan ang insidente makaraang biripikahin ng San Juan PNP nitong Mayo a-23.

Ayon naman kay PNP-PIO Chief P/Col. Randulf Tuaño, target na ng “Joint Anti-Fake News Action Committee o (JAFNAC) ang suspek na responsable sa fake news.

Babala ni Tuaño, kumpas ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kakasuhan ang sinumang mapatunayang ugat ng fake news na nagdulot ng pampublikong alarma. (Edwin Moreno)