Advertisers

Advertisers

Humingi si Willie Revillame ng Pantaksi sa Akin

0 55

Advertisers

Ni Oggie Medina

NAALALA ko noon nang dinala ako ng my friend, si Marikit “Kitty” Figueras (sister of fashion designer Albert Figueras) kasama si dance choreographer Geleen Eugenio sa Faces Disco sa Pasay Road, Makati City, nakita namin sina Maricel Soriano at Aga Muhlach. Inimbita kami na mag-join sa kanila.

Nandoon si drummer-actor Willie Revillame at pinakilala kami ni Maricel.

Lumabas ako saglit ng disco para manood ng performance ni rapper Andrew E (di ko alam kung bakit malapit ang loob ko sa kanya na nasabi ko sa katabi ko na sisikat balang araw si Andrew E). Nang papasok na ako sa loob ng disco ay nakasalubong ko si Willie at humihingi sa akin ng pantaksi. Binigyan ko ng fifty pesos (malaki na ito noon).

Nang uupo na ako ay tinanong ako ni Maricel kung ano ang hiningi sa akin ni Willie at ang sabi ko ay binigyan ko ng pantaksi. Dapat daw hindi ko binigyan ng pantaksi. Sabi ko ay ok lang.

Muling nagkasalubong ang landas namin ni Willie sa Museo Orlina sa Tagaytay City kung saan makikita ang works ng aking pinsan, si Ramon Orlina. Lumapit ako kay Willie at hindi na niya ako naalala: inimbita ko siya sa Tahan-Tahanan sa basement ng East Avenue Medical Center sa Quezon City para sa mga batang may kanser. Inisnab ako at hindi ako pinansin.

Nagbago na nga ba siya at naging mayabang? Ang hindi niya alam ay kamag-anak ko ang may-ari ng Museo Orlina. Hinayaan ko na lang si Willie to enjoy his well-off moment.

I hope mabasa niya ito.