Advertisers
Ni Jimi C. Escala
NANANATILING most watched gabi-gabi ang numero unong sinusubaybayan ng mga Batang Tondo na FPJ’s Batang Quiapo.
Aliw na aliw ang mga kabarangay namin sa mga maaksiyong eksena ng serye na pinsgbibidahan ni Coco Martin, huh!
24.78% average na pinagsamang national TV rating noong Mayo 1 to 20 ang naitala ng Batang Quiapo kaya ito ang nana Zillownatiling most-watched teleserye sa bansa.
Ang naturang Kapamilya teleserye pa rin ang nangungunang programa sa primetime matapos nitong magrehistro ng halos dobleng national TV rating kumpara sa 12.64% fused TV rating ng katapat na serye, mula sa parehong urban at rural homes ayon sa datos ng Kantar Media. Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo sa national viewership charts mula noong umere ito noong 2023 sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, huh!
Sa totoo lang, pagkatapos manood ng serye ay nag uumpukan ang mga Batang Tondo at walang pinag uusapan kundi ang kapapanood pa lamang nilang mga eksena ni Coco, huh!
Sabi pa nga ni Basilia Lucresio na kasama sa umpukan na kung si Coco pa raw ang kumandidatong senador ay siguradong mananalo raw ang aktor kumpara kina Willie Revillame, Philip Salvador at iba pa, huh!
Sa totoo lang din naman hindi lang sa mga usapan sa kalye at sa
telebisyon, namamayagpag din ang serye sa online viewership.
Sa datos na lumabas para sa Mayo 1 hanggang Mayo 18, nakapagtala ito ng higit 100 million views, huh!
Kaya naman sabi pa sa amin ni Sir Biboy Aboleda, manager ni Coco at isa sa head ng palabas ay ganun na lang ang taos-pusong pasasalamat ni Coco at ang lahat ng bumubuo sa FPJ’s Batang Quiapo para sa walang-sawang suporta ng mga manonood na gabi-gabing sinusubaybayan na buhay ni Tanggol sa TV at online.
Samantala, marami nang naging guest na artista ang Batang Quiapo, at pati nga yung gustong magbalik showbiz ay ang BQ ang pasaporte ng mga ito, huh!
At kabilang diyan ang dating sexy star na si Klaudia Koronel na matagal na ring nagtatrabaho sa Amerika, nagka-asawa na at na-divorce pero kung mabibigyan ng chance sa programa ni Coco gustong mag-comeback, huh!
Hindi lang naman mga “has been” ang nagparamdam kundi may mga sikat na showbiz personalities ang gustong maging guest ng show, huh!
Ayun sa source, sikat na female star na hindi pa nakatrabaho ni Coco ang patuloy na kinakausap ng produksiyon para maging bahagi sa pang anibersaryong handog ng Batang Quiapo, huh!
Kung matutuloy tiyak na madadagdagan lalo ang viewership ng show kasi milyon pa rin ang mga fans ng aktres, huh!
***
DUMANAS din pala ng depression ang sikat na Kapuso aktor na si Alden Richards, huh!
For the first time ay
naibahagi ni Alden ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok
Nakaranas daw ng depresyon ang Kapuso actor na mas pinatindi pa ng pagkamatay ng kanyang lolo moong Enero lamang.
“Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there. I think last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that. Hindi naman siya clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression. Ang galing nga, hindi lang halata eh. Before kasi hindi ko siya kayang pag-usapan kasi hirap ako eh. Ayokong magpakita ng weakness,” salaysay pa ni Alden sa GMA Integrated news.
Dagdag pa rin ng aktor na kapag walang trabaho ay sinisikap ng binata na gumawa ng mga bagay na hindi niya napagtuunan ng panahon sa mga nakalipas na taon.
Madalas ngayong makikita so social media ang ginagawang pagpapapawis ng aktor katulad ng biking at running. “I owe it to myself. Yun yung hindi mo maproseso nang tama ‘yung pag-iisip mo. it’s very hard to be present. Kahit nandito ka, wala ka dito,” makabuluhang banggit pa ng sikat na aktor, huh!
Kahit kasalukuyang walang karelasyon ay masaya pa rin naman si Alden sa kanyang personal na buhay.
Para sa kanya ay hindi naman kailangang magkaroon ng karelasyon upang maging masaya ang isang tao