Advertisers

Advertisers

Julia at Gerald hiwalay na?!

0 94

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAY mga nagsasabing hiwalay na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Napansin kasi ng followers ng dalawa, na hindi na sila magkasama sa mga larawan/videos na pino-post nila sa kani- kanilang social media accounts, kumpara noon sa bawat okasyon ng kani-kanilang pamilya, lalo na sa side ni Julia, ay laging kasama ang aktor.

Unang pinansin ang IG post ni Julia noong April 19 na nasa ibang bansa siya, na tila mag-isang nag-travel, dahil halos lahat ng kanyang larawan ay wala si Gerald.

Ang mga netizens ay mahilig mag- 1+1, ‘di ba? Kapag ang isang showbiz couple ay in-unfollow ang isa’t isa sa social media accounts, wala na silang picture together na na pino-post o dinilete na ang kanilang mga pictures/videos,iisipin talaga na hiwalay na sila.

Well, sana ay hindi pa hiwalay sina Julia at Gerald. Sayang naman kasi ang ilang taong pinagsamahan nila kung mauuwi rin ito sa wala at against all odds pa naman ang naging drama ng kanilang relasyon.

***

NAGING matagumpay ang katatapos lang na D’PURPOSE 2025 – “Indak ng Tagumpay” A D’Grind Summer Dance Workshop and Dance Recital na ginanap sa Music Museum Greenhills, San Juan noong Huwebes ng gabi. Bukod kasi sa napuno ng audience ang nasabing venue, sinuportahan pa ito ng Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera. Sumayaw siya with D’Grind kasama ang choreographer at founder nito na si Jobel Dayrit.

Syempre pa, sobrang touched si Jobel sa suportang ibinigay ni Marian sa ‘D Purpose 2025. At sobrang saya niya sa tagumpay ng nasabing concert, na inorganisa niya. Kaya naman hindi niya napigilang maiyak habang kausap namin siya.

“Ang pakiramdam ko po ngayon ay nag-uumapaw ang kasiyahan. Eto po sabi ko, hindi para sa akin kundi para sa mga bata na gustong matutong sumayaw. At sa mga magulang na gustong may marating ang kanilang mga anak (sa pgsasayaw)” sabi ni Jobel.

Dagdag niya,”A dance is a therapy also, at malaking impact siya sa buhay ng tao,”

Close si Jobel kay Marian kaya nagawang puntahan/suporahan ng misis ni Dingdong Dantes ang dance workshop/recital.

“Parang ipinadala lang po siya sa akin ni God,” sabi ni Jobel tungkol kay Marian.
“Naghahanap po kasi siya ng choreographer. And I think si sir Mel, ‘yung handler niya,may nag-refer sa kanya na sabi, si Jobel daw ay mabait,”natatawang kwento pa ni Jobel.
Naging dahilan nga ‘yun para si Jobel na ang kuning choreographer ni Marian.
At dun na nagsimulang magkaroon sila ng magandang relasyon ng aktres.