Advertisers

Advertisers

Alokasyon ng partylist seats kinuwestyon ng OFW Partylist sa SC

0 54

Advertisers

Hiniling ng OFW Partylist sa Korte Suprema na busisiin ang pagkalkula sa alokasyon ng mga partido na maaring makaupo sa 20th Congress.

Ito ay matapos maghain ng petition for certiorari nitong Lunes ng umaga ang OFW Partylist, kung saan nanawagan sila sa Korte Suprema na itigil ang isang sistemang lumilihis sa diwa ng representasyon at hustisya.



Kinuwestyon ng OFW Partylist ang alokasyon ng mga panalong partylist seats gamit ang isang formula na hindi nagpapahintulot ng karagdagang upuan para sa mga partylist organization na nakakuha ng 2% ng kabuuang boto.

Nakakuha ng tig-tatlong upuan ang Akbayan, Duterte Youth, at Tingog. tig-dalawang upuan naman ang napanalunan ng 4Ps, ACT-CIS, at AKO BICOL. Sa kabuuan, may 48 partylist groups na nakakuha ng isang upuan. May kabuuang 63 upuan na inilaan para sa mga kinatawan ng partylist. Pang-59 sa listahan ang OFW Partylist.



“Dapat po 64 ang seats ng partylist at ginagawa lamang nila na 63 sa representasyon sa Kongreso. Bakit? Ito pong gagawin na 64 ay makadadagdag sa marginalized sector na makakaupo sa Kongreso na magiging boses ng mga nasa laylayan ng lipunan,” ayon kay Rep. Marissa del Mar.

Ayon pa kay Rep.del Mar, karapatan ng OFW Partylist at totoong sektor ng nasa laylayan partikular para sa mga OFW at mga seafarers.



“Ang layunin po nito ay para mare-visit ang rulling ng Supreme Court, una-unang sa lahat mabigyan ng tamang alokasyon ang mga partylist na talagang totoo na nagrereprsent sa laylayan ng lipunan.” saad naman ni Atty. Willy Joy Supnet.

Sa ngayon, binigyang-diin ni Atty. Supnet maraming partylist na nagrerepresenta na ang layunin hindi naman nirerepresenta ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Ayon sa OFW Partylist, dapat mabigyan linaw ito ng Korte Suprema kung ano ang dapat na computation ng mga partylist.

“Ang aming pinaglalaban dito ay tunay po sana, wag natin ihalal ang isang nagkukunwari na siya po ay kinatawan pero kung tutuusin po wala naman po talaga silang kinakatawan na sektor. Ang kinakasama ng loob ng mga OFWs natin, tayo pa ang nawalan ng boses sa Kongreso. Para tayong meron tayong committee ng healthcare, wala naman tayong doktor,” dagdag pa ni Rep. Del Mar.

Sinuspinde kamakailan ng Commission on Elections ang proklamasyon ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon partylists dahil sa mga nakabinbing petisyon laban sa kanila.

Nanawagan din si Del Mar sa Korte na muling suriin ang akreditasyon at i-diskwalipika at huwag pahintulutan ang patuloy na paglahok ng mga grupong hindi kabilang sa marginalized sector sa partylist system ng halalan. (Jocelyn Domenden)