Advertisers

Advertisers

3 PH fighters bigo sa Thailand boxing tourney

0 7

Advertisers

NABIGO ang tatlong Filipino fighters sa kanilang kalaban Linggo,Mayo 25, sa Thailand Open International Boxing Tournament sa Indoor Stadium Huamark sa Bangkok.

Aaron Jude Bado ang unang bumigay matapos malasap ang unanimous 5-0 loss kay Uzbekistan’s Dusmatov Faryozbek sa kanilang opening bout sa men’s bantamweight (55kg) division. Lahat ng judges mula Algeria, Morocco, Poland, Zimbabwe at Ukraine umiskor ng 30-27 pabor sa Uzbek fighter.

Ang pagkakaiba, Jay Bryan Baricuatro ay dumikit para maka book ng quarterfinal seat sa men’s fly (50kg) class, pero natapos na talo sa isa pang Uzbek Melikuziev Shodiyorjon sa split 3-2 decision.



Judges mula sa Singapore at Ireland binigay kay Baricuatro 30-27 at 29-28 scores, ayon sa pagkakasunod,pero si Shodiyorjon binigyan ng 3 judges ng dikit na 29-28 scores.

Ofelia Magno, na lumaban sa penultimate bout sa gabi, nabigo rin sa kanyang unang laban kontra Kazakhstan’s Gulnaz Buribayeva, nalasap ang unanimous 5-0 defeat sa women’s light fly (48kg). Judges mula Ireland, Sri Lanka, Zimbabwe at Algeria binigay sa Kazakh ang magkatulad na 30-27 scores, habang ang judge mula Serbia umiskor ng 29-28 para rin kay Buribayeva.