Advertisers

Advertisers

Mga ‘di senador ng Republika ng Pilipinas

0 4,501

Advertisers

ITONG sina Senador Robin Padilla at Senator-elect Bato dela Rosa at Senator-elect Rodante Marcoleta ay masasabi nating hindi sila senador ng Repubika ng Pilipinas kundi senador ng mga Duterte partikular ni dating Pangulong Digong.

Bakit ko nasabi ito? Halatang halata naman na kaya sila nasa Senado ay para lamang protektahan si Digong, hindi ang magsilbi sa ating bansa.

Kita n’yo naman…hindi pa nga nagsisimula ang Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio, ang anak ni Digong, ay ina-acquit na nina Bato, Marcoleta at Robinhood.

Ibig sabihin lang nito, hindi sila magbabase sa mga ebidensiyang ilalabas ng prosecutors laban kay Sara kundi babase sila ayon sa kanilang pagsamba sa Duterte. Tsk! tsk! tsk!

Kita n’yo naman ang ipinakita ni Robinhood sa The Hague, Netherland, sa kanyang pagdalaw kay Digong na higit tatlong buwan nang nakakulong sa pasilidad ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kinakaharap na kasong ‘Crimes Against Humanity’, naging katawa-tawa siyang senador. Para siyang nasiraan ng bait. Oo! Mantakin mong “makipagpulong” siya sa standee ni Digong, kinakausap niya ito at yakap-yakap na inilalako sa kalye ng Netherlands.

Ang tanong tuloy ng netizens: “Senador ba talaga siya ng Pilipinas o ng Dutertes lamang?”. Ewan!

Kung sila’y nag-senador lang para kay Duterte, hindi natin sila dapat pasuwelduhin, ‘di dapat pagkalooban ng ilang daang milyong pisong pork barrel. Sayang ang tapayers money na ipagkatiwala sa kanila. Mismo!

Anyway ang dapat sisihin dito ay ang mga bobotante! Sila ang naglagay sa puwesto sa mga bugok na senador na ito. Sa 2028 national elections, hindi na dapat madagdagan pa ang mga ganitong klase ng mambabatas, at alisin na ang mga katulad ni Robin Padilla.

Itong sina Bato at Marcoleta pati ang nasiraang sister ni PBBM na si Imee ay anim na taon nating pagtitiisan. Pero titino lang siguro ang mga ito kapag tuluyang napatalsik si Sara sa pagka-Vice President at mahatulan ng ‘Habambuhay’ si Digong sa salang walang awang mga pagpatay mula noong mayor siya ng Davao City at hanggang maging presidente ng bansa.

Teka, baka sa kulungan din ng ICC matatapos ang termino ni Bato. Oo! Kasama siya sa mga nakasuhan ng Crimes Against Humanity. Siya kasi ang Chief PNP at nasa likod ng “Oplan Tokhang” na kumitil ng maraming “kriminal” kuno o suspek sa pagpapakalat ng iligal na droga noong termino ni Digong.

Ayon sa ICC lawyer na si Kristina Conti, posibleng lumabas ang ICC warrant laban kay Bato sa buwan ng Styembre o Oktubre.

May ilang pang dating opisyal ng nakaraang Duterte administration ang sinasabing maiisyuhan ng ICC arrest warrant. Kung sinu-sino man ang mga ito, abangan!!!