Advertisers

Advertisers

Pulis binaril-patay ang babaeng negosyanteng karelasyon

0 58

Advertisers

NASAWI ang isang businesswoman nang pagbabarilin ng isang pulis sa loob ng sasakyan na nakaparada sa Davao City, Linggo ng hapon.



Nakilala ang biktima sa pagalang “Dianna”, habang ang salarin ay natukoy na si Police Corporal “Marvin” na nakatalaga sa Ecoland Police Station 15 na naaresto nitong Lunes, May 26.

Ayon sa isang saksi, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril mula sa loob ng itim na pickup truck na nakaparada, pagkatapos nito ay nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng itim na kalmadong naglakad palayo mula sa sasakyan.

Nang lapitan ang sasakyan, nakita sa loob ang duguang babae, na kaagad dinala sa ospital pero binawian ito ng buhay.

Ayon sa pulisya, tinitingnan nilang anggulo ang “romantic relationship” sa pagitan ng biktima at pulis at maaring may pinagtalunang personal na nauwi sa pamamaril.

Nakakuha ang mga imbestigador ng mga basyo ng bala ng 9mm pistol sa crime scene.

Nahaharap sa criminal at administrative charges ang salarin.