Advertisers
VIRAL ngayon sa social media ang isang babaeng customer na hindi na nagbayad, galit pa na nanghingi ng sukli.
Ibinahagi ng street food stall owner ang video na nangyari malapit sa LRT Monumento.
Sa video na ibinahagi sa Facebook ni Ching Jer Lin, mapapanood ang mga kostumer na abalang kumakain sa harap ng street food stall.
Makalipas ang ilang sandali, dumating ang naturang babae na nagsimula nang kumuha ng mga “tusok-tusok” tulad ng tokneneng.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagkuha at pagkain ngunit nang matapos, imbes na magbayad ay nanghingi siya ng sukli.
Nagkunyari siyang galit para mapilitan ang vendor na suklian siya kahit hindi naman siya nagbayad.
“Modus dito sa tindahan ko sa LRT Monumento. Pa-share ako mga bossing para makarating sa pamilya n’ya yung mga kalokohan nya. Walang binayad nanghingi pa ng sukli, matindi pa non galit pa, busog na, may sukli pa,” saad ng uploader.
Habang sinusulat ito ay mayroon nang 9 million views at 131K reactions ang nasabing post.