Advertisers

Advertisers

‘Killer’ sa lola na natagpuan sa tambakan ng basura, arestado

0 20

Advertisers

Lutas na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagpaslang sa senior citizen na itinapon sa basurahan makaraang madakip ang salarin sa isinagawang manhunt operation ng Payatas – Bagong Silangan Police Station 13 nitong Mayo 23, 2025, sa Binan City, Laguna

Kinilala ni PCol Randy Glenn Silvio, QCPD Deputy District Director for Administration (DDDA) at Officer-in-Charge ang nadakip na si alyas “Felimon”, 47 taong gulang, at residente ng Brgy. Payatas, Quezon City.

Ayon kay Col. Silvio, ang suspek naaresto 8:00 ng gabi nitong Mayo 23, 2025, sa Brgy. Langkiwa, San Antonio Subdivision, Biñan City, Laguna.

Sa ulat ni PL. Col. Rolando Baula, hepe ng PS 13, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant na positibong kinilala si alias ‘Felimon’ bilang responsable sa pagpatay sa 61-anyos lola na natagpuansa isang tambakan ng basura sa kanto ng San Lorenzo at St. Beatriz Streets, Brgy. Payatas, nitong Mayo 14, 2025.

Sa talaan ng PS 13, ang suspek ay nakalista bilang No. 2 most wanted person ng PS 13 para sa kasong homicide kung saan diniin sa Branch 43, RTC, Bulwagan ng Katarungan Magsaysay Blvd., Tacloban City.

Nakumpiska sa suspek ang isang “sumpak” na may lamang isang (1) bala ng 5.56mm (M-16) at apat (4) na karagdagang bala.

Sa isinagawang record check naman ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV), ang akusado ay may nauna nang kaso ng murder noong Hulyo 2018.

Bukod sa kasong murder na isasampa laban sa kanya kaugnay ng pagpatay sa isang ginang, siya ay sasampahan din ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code), kaugnay ng COMELEC Resolution No. 11067.
(Almar Danguilan/Boy Celario)