Advertisers

Advertisers

Chiz sa MMDA: Maging patas, mabilis at transparent sa NCAP

0 22

Advertisers

UMAPELA si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maging patas, mabilis at transparent sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy o NCAP upang maibsan ang mga alalahanin ng mga motorista pagpapatupad ng naturang programa.

Ito ay makaraang tanggalin ng Supreme Court ang temporary restraining order sa NCAP.

Ayon kay Escudero, duda ang maraming motorista na magiging patas ang panghuhuli at kung masusunod ang due process.



Kabilang na rito kung gaano kabilis ang pahahatid ng notices or violations (NOV) sa mga nahuling motorista.

Posibleng maipon aniya ang penalty para sa hindi pagbabayad ng multa kung hindi makita sa mail ng mga motorista ang NOVs.



Sa halip, dapat umanong gamitin ng MMDA ang email ng mga motorista kung available ito sa kanilang sistema upang mapabilis ang proseso ng pagbabayad.

Kailangan resolbahin din ng MMDA ang lane markings, traffic lights at signages dahil ito ang magiging basehan ng maraming paglabag at paghuli sa mga motorista.



“Dapat matanggal sa isip ng mga motorista na ang NCAP ay isang paraan lang para kumita ang MMDA o gobyerno at ang pagsasaayos ng pagpapatupad nito at ng mga batas trapiko ang pinaka-importanteng hakbang para maging katanggap-tanggap para sa lahat ang programang ito,” dagdag pa ng pangulo ng Senado. (Mylene Alfonso)