Advertisers

Advertisers

Rider, kulong sa dalang pampasabog

0 24

Advertisers

Kulong ang isang rider nang mabisto ang dalang pampasabog nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Sa ulat, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station ng Oplan Sita sa Phase 1, Package 3, Barangay 176-A, Bagong Silang, nang parahin nila ang isang rider dahil walang suot na helmet 2:00 ng madaling araw.

Nang hingan ng kanyang driver’s license, nagtangka itong tumakas at biglang pinahaharurot ang minamanehong motorsiklo subalit’, kaagad naman siyang nahabol at napigilan ng mga pulis na dahilan ng pagkakaaresto nito.



Nakumpiska sa 45-anyos na rider na si alyas “Inggo” ang isang MK2 Hand Fragmentation Grenade, glass cutter, wire cutter/stripper, steel measuring tape, long nose pliers, flat screw, black bag back at gamit nitong Kawasaki Fury.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">